Daliri

,


"Nahiya ako sa'yo kasi hinawakan ko kamay mo.."


Ang tahimik lang niya nang nakilala ko siya noon. Sa ingay at gulo ng paligid, kasama na ang walang humpay na kwentuhan ng barkada, ay sa kanya lang ako napapatitig lagi.

Unang pagkakataon ko lang siya nakita noon. Sinama siya ng isang kaibigan sa lakad para ipakilala.

Wala namang kakaibang nangyari noong kami ay kumain ng hapunan hanggang sa konting pulutan.

Nagkataon naman na kami ay magkatabi habang tuloy ang tawanan at kwentuhan sa may hapag-kainan, kasabay ng saliw ng musika galing sa isang kumakanta sa videoke.

Tinibayan ko ang aking sarili. Naging matapang at mapangahas ako nang idinikit ko ang tuhod ko sa hita niya. Naghihintay ako ng pag-iwas ng kanyang hita ngunit di iyon nangyari. Bagkos kumuyakoy pa siya at pakiramdam ko'y may konting pagdiin mula sa hita niya.

Itinuloy ko ang aking kapangahasan, habang nakipag-usap at nagke-kwento ay bahagya o sandali ko naman pinapatong ang kamay ko sa hita niya na wari'y sa hita ko talaga nais ito ipatong. Walang pagtutol na naganap mula sa kanya, ngunit di ko naman inabuso ito.

Naengganyo na ko sa pakikipagkwentuhan at sumuko na ko sa pagpaparamdam sa kanya. Di ko namalayan na nakapatong ang kamay ko sa hita ko. Naramdaman ko na lang na may daliring humawak sa mga daliri ng kamay ko.

Kahit nagulat, hindi ko ito ipinahalata sa iba. Nakipaghawakan ako ng daliri sa kanya ngunit kumawala rin sandali upand di mahalata ng iba. Sa oras na yun, nagkaintindihan na kami. Matapos yun ay nagkaroon pa ng maraming beses na ang kamay ko na ang nakapatong sa hita niya o ang kamay niya sa hita ko.

Tila gawa talaga ng tadhana na magkasabay kami ng daan pauwi. Nagpalakad-lakad kami ng nakaakabay. Nagpapakiramdaman. Nagpaparinigan. Hanggang sa naibulalas na namin ang aming gusto.

"Nahiya ako sa'yo kasi hinawakan ko kamay mo.."

"Bakit ka naman mahihiya, gusto ko rin yun e"

Una naming narating ang bahay nila. Imbes na magpaalam at humayo na, sumunod ako sa kanya papasok sa kanila na tanging ang mata lang namin ang nangusap.

Sa kwarto ay nangyari na ang kanina pa nangyayari sa aming isip. Nagsimula sa halik, sa mainit na halik at yakap. Hindi nagtagal ay unti-unti ng natanggal na ang aming saplot hanggang sa wala nang telang pumapagitna sa amin. labi. pisngi. leeg. dibdib. tiyan. baywang. hita. at... sa bawat sulok ng kanyang katawan ay pinuno ko ng halik. Ganoon din ang natanggap ko mula sa kanya.

Naging malambing ang unang yugto ng aming pagsasama. Nagpahinga kami sandali at nagkwentuhan. Sinubukan niyang pumikit at umidlip ng saglit. Ang sarap lang niya titigan habang natutulog. Napakapayapa.

Pagkatapos ng ikalawang yugto ay hinayaan ko na talaga siyang umidlip dahil mukhang napagod talaga siya dahil sa isang linggong trabaho niya. Katabi sa pagtulog. Kayakap sa ilalim ng kumot. Sarap lang itigil ang oras para tumagal ang sandaling iyon.

Malapit ng magpakita si haring araw kaya kinailangan ko na rin umalis. kailangan ko na ring magpaalam sa isang napakasayang sandaling iyon kasama siya. Humalik. Yumakap. Nagpaalam.

Iyon ang una kaming magkasama at makapag-usap nang matagal ngunit pakiramdam ko ay napakatagal na naming magkaibigan. Iyon na rin ang naging huli naming pagsasama dahil matapos ang ilang linggo ay lumipat na sila ng matitirhan ng kanyang pamilya.

Ngunit kahit na kami ay nagkahiwalay at di nagkatuluyan, mayroon parin siyang puwang na nakalaan sa aking puso. Sabi ko nga sa kanya, di niya kailangang makipagsiksikan sa puso ko dahil mayroon talagang lugar doon na nakalaan para sa kanya. At kung sakaling babalik siya, alam niyang mayroon siyang babalikan.
Read more →

V-day-han

,
As of publish time, kahahatid ko lang kay... itago na lang natin sa pangalang.. Tol sa sakayan. (back story here.) Nanggaling siya dire sa bahay namin at dito na siya nagpalipas ng kaunting oras matapos ang aming munting lakad kagabi.

Ang plano kagabi ay magpunta sa Fair upang makipagsaya at dun magpalipas ng araw ng mga puso. Pag dating namin sa lugar ay sandamukal ang tao sa may main entrance. Makikita ang isang mahabang pila para sa tickets at tatlong mas mahabang pila pa para sa entrance.

Bilang alas nuebe na iyon ng gabi ay nagpasya kami na kumain na lamang sa Technohub. Doon ay nagkwentuhan kami habang nagsasalo sa lechon at lechong paksiw. Gusto ko sanang itanong sa kanya yung tungkol sa mga text message namin, at sa mga subtle hints noong kami ay nag-overnight. Pero syempre baka assuming lang ako kaya pinigilan ko ng itanong.

Nang nasa bus na kami pauwi (lintik na bus yan, puro na lang sa bus :p) hinawakan niya ang kamay ko. Symepre humawak na rin ako nang mahigpit. Doon na nagsimulang magkaalaman ng tunay na nararamdaman.

Si Tol mukhang ayaw pa talagang umuwi. Sabi ko masyado nang gabi kung luluwas pa kame papuntang probinsya. Kaya naisipan kong isama na lang muna siya sa bahay dito sa Maynila.

At naging piping saksi na nga ang aking silid sa aming pagsasama. Naalala kong nasabi ko sa kanya, "Malambing mo lang, di ka malibog. Kasi kung malibog ka, kanina pa tayo nag-ch***an." Tunay nga na malambing lang siya. Nakakatuwa lang.

Kung baga sa motel, pang-short-time lang ang stay niya dito, mga tatlong oras lang. Pero ang short time na iyon ay sulit na sulit pa rin upang kami ay mas magkakilanlan. Han. :D



Read more →

Treading on dangerous waters

,

Pumasok ako sa grupo na iyon para maging mabait at maituwid ang mga mali kong pamamaraan at pamumuhay. Sabi ko kapag napaligiran ako ng mababait o nagpapakabait, baka naman mahawahan ako at magpakabait na ko. Ang grupo na ito ay binubuo ng mga taong wala pang asawa.

Kamakailan ay lumabas kaming mga lalaking magkakapatid sa pananampalataya para sa aming buwanang pagtitipon. Ginanap ito sa bahay ng isa sa amin sa Rizal. Sa laboy naming iyon ay napalapit ako sa isa sa kanila. Nagkasabay kami sa paglalakad at doon kami nakapag-usap ng matagal.

Sa umpisa pa lang ay parang 'naamoy' ko na siya. Mayroon siyang kakaibang 'mannerisms,' pananalita, at galaw. Malakas ang tiwala ko sa aking radar sa mga ganyang bagay. Ngunit isinangtabi ko ito dahil baka nagiging malisyoso lang ako. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong nagkasama kami sa ilalim ng payong upang umiwas sa init ng araw. Nagkaroon ng oras na nakahawak siya sa braso ko. Madali talaga ako mahulog 'pag nahahawakan na ko eh. (Alam ninyo na kiliti ko. lol ). Tapos meron pang oras na nakaakbay siya sabay pisil pa sa balikat ko. Sa isip ko, 'ano ba 'to?! tukso layuan mo ako.' Bilang patapos na rin naman ang aming lakad at kami ay uuwi na, minabuti ko nang kalimutan ang aking masamang iniisip (at binabalak) at magpatuloy sa buhay na maayos. Ngunit ang huling paramdam niya ay noong kami ay nagkatabi sa jeep. Inayos ko ang aking bag upang di makaharang sa mga taong dadaan pero hinatak niya ito ng bahagya para ipatong sa kanyang hita. Napatingin na lang ako sa kanya. Sumagot naman siya ng ngiti. Habang nakapatong ang braso ko sa bag, pinatong naman din niya ang braso niya at siniksik tabi sa braso ko. Samakatuwid, sa buong byahe namin pauwi ay magkadikit ang aming braso.

Hindi ko na dapat pag-iisipan pa ng masama ang mga nangyaring bagay na iyon sa amin ngunit napatunayan ng text niya sa akin noong sumunod na araw ang aking mga hinala.

-alam ko hindi ako COKE
para maging HAPPINESS mo..

-hindi NIDO para maging
NUMBER 1 mo..

-at lalong hindi MCDO para
masabi na 'LOVE KO TO'

Pero di man kita MAKASAMA forever,
sana...

parang NESCAFE na lang
"LET'S MAKE EVERY
MOMENT PERFECT!"

Pramis! Kinilig ako ng sobra sa trabaho noong nabasa ko to. At doon na nga nagsimula ang palitan namin ng text message. Noong simula, mejo wholesome pa eh. Kulitan. Nagpapakiramdaman. Pero parang nagkaalamanan na rin kinalaunan.

Hindi ko man alam kung ano ang kahihinatnan ng anumang sinisimulan namin ngunit gayunpaman ako ay umaasang magbubunga ito ng maayos na samahan.

Bukas pala ay naaya ko siyang pumunta sa aming Fair sa campus. Enjoy enjoy lang kami dun :)






On a different note: I would like to thank the people who showed their concern regarding one of my posts. I deeply appreciate it. :)

Read more →

E ano

,

Gusto mo nga
Di ka naman gusto
Iyak ka na lang

Gusto mo nga
Asa malayong lugar naman
LDRs don't usually work out

Gusto mo nga
May jowa naman
Maninira ka pa ng relasyon

Gusto mo nga
Di naman nya alam
Nganga ka na lang

Gusto mo nga
May gusto naman siyang iba
Makikipag-agawan ka pa

Gusto mo nga
Straight naman
Converter ka na te?

Gusto mo nga
Gusto ka rin pala
Ano pa hinihintay mo?

Gusto mo nga
E ano naman.
Read more →

*sad face*

,
Talo ko pa ang nasa MMK sa ka-dramahan kanina sa bus. Habang nasa byahe papuntang Maynila, sabay naman ang tulo ng luha. Yung tipong namumuo muna sa loob tapos unti-unting tutulo sa gilid ng mata. Kainis lang. Tapos nasa aisle seat pa ko, so kitang-kita ng madla.

Ang hirap lang kasi nung may gusto kang sabihin sa isang tao pero nagpasya kang kimkimin na lang para di siya masaktan. Ang sakit noon sa kalooban. Parang gusto mong sumabog.

Kaya ganun na lang ginawa ko. Inilabas ko na lang sa luha. Mega-punas naman ako sa bus parang tange at pikit na lang ng mata. Eventually, nakatulog din ako hanggang sa campus.

Galit. Lungkot. Inis. Awa. Hiya. Sisi. Halo-halo na lahat ang nararamdaman ko. Buti na lang ngayon ay pede ako makapagmuni-muni kung saan mo. Nasabi ko na rin dati na gusto ko ng escape. Kung pede lang sana tumakas na ng tuluyan.

:'(
Read more →

Pseudo

,
I remember an advice I gave someone before. I asked him if it was really love that he was feeling for someone or has he just fallen in love with the idea of loving that someone. Too many of us mistake the feelings we have towards a person as love. We easily jump to the conclusion that indeed we have fallen for that person. We sometimes neglect to re-examine our feelings to trace where it's coming from.

I remember telling him that in my opinion, what he was feeling was not love, at least not yet. I acknowledge that he indeed have strong feelings towards that person, but i think not enough to call it "love." 

Strong feelings. At that time, it was easy for me to say it. It was easy to give an advice without even understanding how he must have felt.

But now I somewhat get the idea of strong feelings. There's that attraction you feel with out having an explanation. For me, it's the butterflies I feel in my stomach when I am having a conversation with him. It's also the smile that I can't get rid of when I think about him. And the sadness I feel when I realize that he's not mine.

However, before I even get swallowed up with my strong feelings, I try to snap back and remind myself that nothing will come out of it. It's pointless to nurture those feelings and let it flourish. I should just believe in the saying that emotions are fleeting, and this shall also pass.



Read more →