When it's over

,
Sabi nila, kapag gumawa ka daw ng isang bagay, alam mo na dapat kung paano ito tatapusin.

Noong mga nakaraang araw napaisip ako.. paano nga ba magwawakas ang blog na ito?

Choices:

  • Di ko na lang kaya gawan ng posts...hayan ko na lang amagin ang blog ito...
  • delete ko na lang lahat ng mga sinulat ko..
  • Patayin ko na lang [kunyari] si Mamon...pero nagawa na yan e
  • Gumawa na lang kaya ako ng tell-all entry tungkol sa mga nangyari at sa mga taong 'nayari' ko dahil sa blog [at twitter] na ito... no-holds-barred, name-dropping, with details pa... *smirk*
Marami na rin akong naisulat dito. Karamihan ay mahahalay yung iba madrama at yung iba naman ay wala lang. Ito ay ilan lamang sa mga bumubuo ng bahagi ng buhay ko na tago sa ibang tao na kilala ko.

Bakit ko nga ba naisip na isarado na ang blog na ito. Marahil dala na rin ng mga nangyari sa buhay ko sa mga nakaraang araw na masasabi kong overwhelming. Andyan ang buhay pamilya, karera, at pag-aaral na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Not to mention the emotional stress these aspects of my life bring.

Pakiramdam ko kasi nahati ang buhay ko bilang Mamon at ang totoo kong sarili. I guess I thought that it's just about time to reconcile my persona and just live one whole life from now on.

Noon kasi kinailangan ko ng lugar kung saan mailalabas lahat ng suliranin ko patungkol sa buhay 'tago.' Palagay ko kasi nakulangan ako noong panahon na iyon ng support system. Laking pasasalamat ko naman sa blogging - pati na rin sa twitter - na nakakilala ako ng mga taong pupuno sa kakulangan na iyo.

Naisip ko rin na naibahagi ko na naman ang mga nais kong ibahagi para sa mga bagong henerasyon ng tulad ko. Na tila naging bukas na libro ang buhay ko para sa lahat ng nais magbasa. Kaya sa palagay ko ay oras na upang isarado muli ang libro at gumawa ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Kaya ngayon, nagpapasalamat ako sa mga taong sumubaybay at nagtiyagang basahin itong bahagi ng buhay ko. Nagpapasalamat rin ako sa mga taong tumawid ang pagkakakilalan sa akin mula sa virtual papunta sa reality. Nagpapasalamat ako sa mga bloggers na naging inspirasyon ko na rin dahil sa kanilang magagandang kwento at sulat.

Hindi ko naman masasabing tuluyan nang magsasarado ang bakery ni Mamon. Siguro'y magpapahinga muna ko.

Kaya sa ngayon, ako'y pansamantalang magpapaalam. Sa muling pagkikita.



Read more →

just a thought

,
Conversation with a friend...

Ayaw ko na nga ng fubu. gusto ko na ng relasyon. haays. haha drama

E ang taas kaya ng standards mo.. pano kaya yun??? hahaha

Ewan ko. basta. anjan ka pa naman e. kaw na yung malapit sa pagiging bf sa buhay ko hahaha


*Thought*

Mas mahirap kayang maghanap ng karelasyon kung kuntento at masaya ka na sa nakukuha mong atensyon at pagtingin sa mga kaibigan mo? Kasi inisip ko, sa ayaw mo man o hindi, maikukumpara mo ang relasyon mo sa malapit mong kaibigan sa taong tipo mo. Ewan ko. Naisip ko lang.
Read more →