Karakas

,
Mabilisang sabawan...

****

Walang nangyari sa 'min.

-Weh?! Naku. Alam ko na yang karakas mo. Kilala na kita.

Agh!  Ano tingin mo sa 'kin?! Nakaka-offend yun ah.

-Charot! hahaha

****

Sa totoo lang, sa kanya ko lang unang narinig yung term na 'yun.

Ayon sa pagkakapaliwanag niya sa akin at sa pagkakainitindi ko ang karakas ay yung teknik mo o moves mo na kadalasang ginagamit upang mambiktima magpa-enamor o magpahumaling ng isang tao.

Eh ano naman kung may karakas ako. Palagay ko naman may kanya-kanya tayong moves para makabingwit e.

Ayon sa kanila, eto raw karakas ko:
1. Makikipagkaibigan - [wala naman masamang makipagkaibigan di ba?!]
2. Mag-aaya ng kape-kape, inom, o akyat ng bundok - [it's my way of getting to know that person. yung kami lang. far from influence of others. Nothing wrong about knowing what he likes or dislikes, right?!]
3. Mahilig daw ako maghawak ng kamay. Touchy ba. - [well, wala ako magagawa it's in my nature and profession. And if I touch you, it means I'm comfortable with you. akbay-akbay, hawak sa likod, balikat, braso, chest. ganun.]

Kung titignan mo naman yung mga karakas ko, hindi ba napaka-wholesome naman. Unlike yung ibang kilala ko.

Other karakas I encountered:
1. facebook: "kelan kaya kita matitikman?" - [Pagkain lang pala peg ko 'no.]
2. twitter: "Be blunt. Tell me what you wanna do" - [Eto yung time na iwas muna ko sa one-night's. may bf na siya ngayon.]
3. twitter: "Skype, anyone?" Tapos biglang mag-iinitiate ng show. - [pornstar lang ang peg. showing his other side. may bf na rin ngayon.]
4. Yung magjo-joke ng titikman, waiting for someone na papatol - [you! yes, you.]
5. Yung kuya-kuya kunyari - [incest lang ang peg] 
6. Yung mag-aaya ng inuman at overnight. Tapos paglasing na, manggagapang. - [old school teknik. did this in highschool. I didn't know people still do this today.]
7. Yung mag-aaya ng inuman with alot of friends just to see that one person he likes - [awww, torpe much.]
8. Yung magpapa-sweet with matching terms of endearment pa - [tengena lang.]
9. Yung dadaanin sa arts, music and dance - [kumu-culture lang oh.]


I bet marami pang karakas na umaaligid jan sa tabi-tabi. Tingin ko naman sakto lang na malaman natin ang karakas ng isang tao dahil dun natin maiintindihan kung anong tipo siya at kung ano talaga ang gusto niya sa iyo.




PS: pakibulong naman sa universe na tulungan ako this week ah. thanks! :D



Read more →

Ready or not.

,


So this is it. The one that I've been focusing my attention and neurons on for the past months. This is the reason why I seldom blog, why I temporarily closed down my [landi] twitter account, why I blocked out certain people in my life. This is it.

So much is at stake. So many lives are relying on the its success. I am about to face the greatest challenge in my adult life.

I do pray for a great outcome, not just for my sake but for all who are counting on me. Not only will I benefit from this but everyone around me.

It's a great deal of pressure. Not like any other that I have experienced. Too much on my shoulder. But I am willing to carry this. I know that if this was given to me, I must have what it takes to accomplish it.

I just do hope and pray for a good result.


Read more →

Out of curiosity

,

Honest question. or like a survey.

If a blogger's niche is his sexual encounters, fantasy, romance and sexuality, is there a perception that he's easy to get? 

Take this blog for example. It's almost all about sex. Do you, as a reader, someone who has not met me personally [yet] (or for those who have, your first impression of me), think that I would sleep with just about anyone?

So you'd know, I'm not fishing for compliments or anything. Say whatever, you want to say. I don't actually even mind what other people think. I am just honestly curious if there's such a inkling.

Just wondering.

 ^.^
Read more →

Nang makausap ang nakaraan sa kasalukuyan

,
Psst Psssssst 

Narinig ko yun habang naglalakad papunta sa sakayan

Pssssssst Pssst

Di ako titingin, sabi ko sa sarili ko. Kung ako tinatawag niya, pangalan ko ang dapat niyang isigaw. Kung ako man yung tinatawag niya, di ako aso para lumingon sa sitsit.

Ngunit di ako nakatiis. Curious bang malaman kung sino yung mokong na yun.. Nang nakalayo na ako at malapit na sa sakayan, lumingon ako. Nagulat ako sa nakita ko. Kahit sa malayo, alam na alam kong siya iyon. Si Ex, na palokong kunyari'y tinatakpan ang mukha. Ang tangi ko na lang nagawa ay ngumiti at lumapit kung saan siya paparoon.

Naramdaman ko ang pananabik nang makita siya kanina. Di ko ma-explain e. Para siyang isang kaibigang matagal ko ng hindi nakausap. 

Tumayo siya sa kinaroroonan at naglakad patungo sa akin. Nagtagpo kami sa gitna. Nagkamustahan. Nagulat at natuwa ako dahil naaalala pa rin niya ang mga detalye ng buhay ko - trabaho, sa school, sa pamilya, at sa mga nangyari sa buhay ko noong kami pa. Natuwa ako sa usapan namin.

Maaga pa noon para sa aking pasok kaya't inaya ko muna siyang maupo kami habang nag-uusap. Kinamusta ko rin siya - ang pamilya niya, trabaho niya, at ang partner niya. 

Napaka-candid lang.

Ang pinakanagustuhan ko noong pag-uusap namin ay noong binanggit niya na nagbago na daw siya matapos ng ginawa niya sa akin. Kahit daw maraming gwapo sa pinagta-trabahuhan niya ay behave lang daw siya. Nasabi ko na lang na, "Buti naman at nagtanda ka na tsaka nagbago," sabay tawa. Natawa naman kami pareho. Napag-usapan din naman ang common ex namin (err ex niya, fling ko lang pala) pati na yung bestfriend niya. Para lang kaming magtropa na nagkakantsawan sa mga naging jowa

Tumagal pa ang usapan namin ng isang oras kaya na-late na rin ako sa trabaho. Pero ikinatuwa ko naman ang aming pagkikita. Ramdam kong walang hang-ups, walang bad blood. Halatang pareho na kaming naka-move on.

Di ko alamg kung gusto ko pa siyang kitaan like the old times bago maging kami na nag-iinuman or dapat ko na lang hayaan sa ganoon na alam ok ang ending. Pero kinuha ko pa rin ang number niya, just in case. 


Yun ang isa sa tingin kong nagagawa ko ng maayos e, ang maka-move on agad, di lang sa ended relationships, pati na sa mga bagay na nangyari na di naman kaaya-aya. Kapag nagawa ko na ang part ko sa bagay na yun, meaning nag-apologize na ko, nag-reach out na ko, tried to make things work out, umiyak, nag-rant sa friend, o maglabas ng sama ng loob sa blog or diary, ay hinahayaan ko na lang yung issue na mamatay at matapos. Di ko na hinahayaan mag-linger yung mga ganung vibes. No use in crying over spilled milk, ika nga. Only time will tell, sabi rin. Time heals all wound, dagdag pa ng iba. Time heals nothing coz it's not a doctor, pambasag lang ng ilan. So, hinahayaan ko na lang. Marami pa namang bagay at tao sa mundo na kailangan pagtuunan ng pansin, na mas mahalaga sa akin, at lalong lalo, na mas pinapahalagan ako. da bah. I thank you. bow. 
Read more →