Ang bawat taon ay nag-iiwan sa atin ng mga alaala at mga aral na bago lang or marahil ay nalimutan na natin sa pagdaan ng panahon. Ang patapos na taon ay hindi naiiba. Bawat araw ay isang pagsubok ng ating pagkatao at paniniwala. Pamamaalam Hindi naging maganda ang bungad ng taon na ito sa akin dahil sa pamamaalam ng isang taong naging bahagi na ng aming pamilya. Nang sumakabilang-buhay ang aking amain nagbago ang lahat sa amin. Kinailangan kong maging matatag para sa aking ina para magabayan at suportahan siya habang siya ay nagdadalamhati. Hindi madali para sa isang anak na makita niyang nalulungkot ang taong inaasahan niyang magiging malakas para sa kanya. Pero sa awa ng Diyos at sa tulong na rin ng malalapit na kaibigan, unti-unti kaming nakabangon at nagpapatuloy ng aming buhay. Propesyon Noong nakaraang taon ay hindi ko masyadong nagamit ang propesyon ko dahil pinagtuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Ngunit dahil na rin sa mga pangyayari sa pasok ng taon...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.