Skip to main content

Introspection


Nahihiya naman ako sa blog ko. Kunmpara sa mga blogs na sinusundan ko - na napaka-profound at deep ng substance, na malalalim ang english, entries na may titillating writing voice, at witty humor - parang gawa ng preschooler yung akin. Wala mang lang distinct voice, walang mystery, walang social relevance, walang universality, ni walang humor.

Pero ayus lang. Sila ang mga manunulat na tinitingala ko di lang dahil sa kakayahan nilang sumulat kung hindi dahil din sa husay nilang ihayag ang kanilang kwento sa pamamaraang naaayon sa nilalaman ng kanilang karanasan. Whew. Naubusan ako dun ng tagalog sa sentence na yun ah. 

Anyway, nakaka-inspire mabasa sa kanilang blogs ang iba't ibang experience nila - mapa-work man yan, love life, sex life, family life, at pati mga hobbies nila. Inspire saan? Inspire mamuhay nang masaya at hindi naghahanap ng approval ng ibang tao. Kasi sa tono ng kanilang sinusulat mukhang they all have life figured out na. Alam na nila kung ano gusto nila sa buhay at ginagawa nila kung ano gusto nila.Yun ang ina-aspire ko, magkaroon ng confidence at assertiveness. Confidence sa sarili kong kakahayan, katayuan, at katawan. At assertiveness sa mga bagay na nais kong gawin.

Hayun, I think I would write about things other than those I write these days.

Comments

  1. ay, parehas tayo ng feeling..i feel like my blog's so generic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. no ah. i disagree. ganda kaya ng posts mo.

      Delete
  2. Sulat lang ng sulat. :) Kakapublish mo ng entries, marerealize mo, lahat ng hinahangad mo (pati voice at wittiness) ay napasaiyo na.

    ReplyDelete
  3. I completely agree with Mugen. That's what makes our little corner of the universe so much fun. There's room for all sorts of diversity. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napakanta ako tuloy ako ng "In my own little corner" ni Brandy. hehe. Thanks.

      Delete
  4. i felt the same way when i started blogging. maraming fears ang naramdaman ko. takot sa criticisms ng iba yaw ko kasi nun lalo na sa gawa ko pero dahil sa blogging na ovecome ko siya and wala na kong pakielam kng anu man gusto nila sabihin sa blog ko basta sulat lang ng sulat. feeling ko nga noon insekto ang blog ko kung itatabi mo kila mugen, corporate closet, mcvie, kane, DB, citybuoy at kung sino sino pa.

    para sayo naman, at least may goal ka sa pagba-blog maganda yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan feeling ko, basura kumpara sa mga sulat niyo. hehe

      thanks. :D

      Delete
  5. naaliw naman ako sa entry na 'to justin :))

    anyways, just continue the flow of thoughts.
    there's no monopoly in writing unless otherwise may particular theme itong blog mo (ie. cooking, travelling, etc)
    i think that makes our blogs differ from those because we write randomly.
    yun naman talaga ang purpose ng blog diba?
    to serve as your personal on-line notebook/diary?
    so wag na ma'conscious :))

    and too, worry not about the highfalutin words or the construction.
    wala naman purfect eh!
    after all, we have differences in defining what is substantial to our taste.
    aja!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. sa bagay wala namang theme tong blog ko. sing gulo rin naman ng aparador ko yung mga entries ko dito. kaya ayus lang. :)

      thanks. :D

      Delete
  6. share ko lang: write to express and not to impress.

    :)

    ReplyDelete
  7. akala mo lang siguro pero hindeeeh hindeeh hindeuurk! iba iba naman ang readers eh. wala na naman akong sense hahaha

    sulat lang nang sulat.mahalaga nag-eenjoy ka

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

Mga ilang tagpo ng gabing iyon

Sa mga oras na iyon, tipong game na lang kaming magkakaibigan kung anong mangyari. Inumpisahan kasi nung isang guy na tumingin sa aming direksyon sa may Starbucks sa Greenfield. Tipong nag-uusap kaming magkakaibigan doon sa labas na tables nang sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking dumaan. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang mahuli kami. Pero ang nakakapagtaka ay kahit makalagpas na siya, ilang ulit pa rin ang dungaw niya sa amin. Eh di parang, "trip ata tayo noon." Sinundan namin ng tingin yung guy hanggang sa nakumbinse namin yung isa naming kaibigan na sundan siya talaga para ayaing makipagkape or whatever. Bumalik si friend na hindi bitbit si Kuya. Ang pangalawang tagpo ay noong papalakad na kami sa EDSA kung saan sasakay ang mga kaibigan ko. Tinagos namin ang Greenfield papunta sa direction ng Rob Forum. Sa bandang Flair pa lang may nakipagtitigan na sa aming lalaki. Yung isa naming kaibigan ang tumawag sa aming atensyon. Sabi niya, tigil lang daw muna kami a...

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...