Skip to main content

Treading on dangerous waters


Pumasok ako sa grupo na iyon para maging mabait at maituwid ang mga mali kong pamamaraan at pamumuhay. Sabi ko kapag napaligiran ako ng mababait o nagpapakabait, baka naman mahawahan ako at magpakabait na ko. Ang grupo na ito ay binubuo ng mga taong wala pang asawa.

Kamakailan ay lumabas kaming mga lalaking magkakapatid sa pananampalataya para sa aming buwanang pagtitipon. Ginanap ito sa bahay ng isa sa amin sa Rizal. Sa laboy naming iyon ay napalapit ako sa isa sa kanila. Nagkasabay kami sa paglalakad at doon kami nakapag-usap ng matagal.

Sa umpisa pa lang ay parang 'naamoy' ko na siya. Mayroon siyang kakaibang 'mannerisms,' pananalita, at galaw. Malakas ang tiwala ko sa aking radar sa mga ganyang bagay. Ngunit isinangtabi ko ito dahil baka nagiging malisyoso lang ako. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong nagkasama kami sa ilalim ng payong upang umiwas sa init ng araw. Nagkaroon ng oras na nakahawak siya sa braso ko. Madali talaga ako mahulog 'pag nahahawakan na ko eh. (Alam ninyo na kiliti ko. lol ). Tapos meron pang oras na nakaakbay siya sabay pisil pa sa balikat ko. Sa isip ko, 'ano ba 'to?! tukso layuan mo ako.' Bilang patapos na rin naman ang aming lakad at kami ay uuwi na, minabuti ko nang kalimutan ang aking masamang iniisip (at binabalak) at magpatuloy sa buhay na maayos. Ngunit ang huling paramdam niya ay noong kami ay nagkatabi sa jeep. Inayos ko ang aking bag upang di makaharang sa mga taong dadaan pero hinatak niya ito ng bahagya para ipatong sa kanyang hita. Napatingin na lang ako sa kanya. Sumagot naman siya ng ngiti. Habang nakapatong ang braso ko sa bag, pinatong naman din niya ang braso niya at siniksik tabi sa braso ko. Samakatuwid, sa buong byahe namin pauwi ay magkadikit ang aming braso.

Hindi ko na dapat pag-iisipan pa ng masama ang mga nangyaring bagay na iyon sa amin ngunit napatunayan ng text niya sa akin noong sumunod na araw ang aking mga hinala.

-alam ko hindi ako COKE
para maging HAPPINESS mo..

-hindi NIDO para maging
NUMBER 1 mo..

-at lalong hindi MCDO para
masabi na 'LOVE KO TO'

Pero di man kita MAKASAMA forever,
sana...

parang NESCAFE na lang
"LET'S MAKE EVERY
MOMENT PERFECT!"

Pramis! Kinilig ako ng sobra sa trabaho noong nabasa ko to. At doon na nga nagsimula ang palitan namin ng text message. Noong simula, mejo wholesome pa eh. Kulitan. Nagpapakiramdaman. Pero parang nagkaalamanan na rin kinalaunan.

Hindi ko man alam kung ano ang kahihinatnan ng anumang sinisimulan namin ngunit gayunpaman ako ay umaasang magbubunga ito ng maayos na samahan.

Bukas pala ay naaya ko siyang pumunta sa aming Fair sa campus. Enjoy enjoy lang kami dun :)






On a different note: I would like to thank the people who showed their concern regarding one of my posts. I deeply appreciate it. :)

Comments

  1. sige lang... gudlak at sana magkita kayo bukas...timing talga ang post na ito sa Vday...

    ReplyDelete
  2. Naks, ikaw na ang may Valentines Day. :D Kitakits. :)

    ReplyDelete
  3. senyor: salamat! kita ko mga pics nio inggit ako. sama nio ko sa labaa nio :)

    shogun: kita kits? sino ka?

    ReplyDelete
  4. shogun: akala ko naman kung sinong Shogun. (na-paranoid lang :P)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

Mga ilang tagpo ng gabing iyon

Sa mga oras na iyon, tipong game na lang kaming magkakaibigan kung anong mangyari. Inumpisahan kasi nung isang guy na tumingin sa aming direksyon sa may Starbucks sa Greenfield. Tipong nag-uusap kaming magkakaibigan doon sa labas na tables nang sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking dumaan. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang mahuli kami. Pero ang nakakapagtaka ay kahit makalagpas na siya, ilang ulit pa rin ang dungaw niya sa amin. Eh di parang, "trip ata tayo noon." Sinundan namin ng tingin yung guy hanggang sa nakumbinse namin yung isa naming kaibigan na sundan siya talaga para ayaing makipagkape or whatever. Bumalik si friend na hindi bitbit si Kuya. Ang pangalawang tagpo ay noong papalakad na kami sa EDSA kung saan sasakay ang mga kaibigan ko. Tinagos namin ang Greenfield papunta sa direction ng Rob Forum. Sa bandang Flair pa lang may nakipagtitigan na sa aming lalaki. Yung isa naming kaibigan ang tumawag sa aming atensyon. Sabi niya, tigil lang daw muna kami a...

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...