Skip to main content

Players

Minsan pakiramdam mong sobrang pamilyar mo na sa laro na tingin mo ay di ka na maiisahan o malalamangan. Pakiramdam mo na kahit bali-baliktarin man ang laro ay kaya mo itong ipanalo. Sabi mo sa sarili mo, dahili marami ka ng napagdaanan, wala ng makakapagpaikot sa'yo. Bagkos, ikaw pa ang magpapaikot sa kanila. Wala silang magagawa kapag ikaw na ang naglabas ng baraha.

Ngunit darating ang araw kung saan makakakilala ka ng tao na mas magaling at mas bihasa kaysa sa iyo. Mas magaling siyang dumiskarte at mas marami siyang alas. At pag sinumulan na niya ang paglabas ng kanyang baraha ay wala ka ng magagawa. Ang pagkatalo mo ay sigurado na. Uuwi ka na lang luhaan at nasasaktan. At ang tanging baon mo sa iyong pag-uwi ay ang aral na kahit anong galing mo makipaglaro, makakilala ka rin ng katapat mo o higit pa ang husay sa iyo. Kaya kahit bihasa ka man, dapat handa ka rin matalo, masaktan, at umiyak.


*****


Laro tayo! -
Sige! -
Ang laro ay Sweet-sweet-tan! Ang unang mag-fall sa isa, talo. Game? -
Game! Ay mukhang talo na agad ako -

Comments

  1. mukang may pinaghuhugutan ang entry na ito....

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala namang pinaghuhugutan. meron lang gustong ibaon.

      Delete
  2. Una, kung sino ang mas nagmamahal, siya ang posibleng mas masasaktan.

    Pangalawa, kung handa kang makipaglaro, dapat handa ka rin na masaktan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang kanta lang yan, bakit kung sino pa, ang siyang marunong magmahal. ay siyang madalas maiwan nang di alam ang dahilan. hehe

      Delete
  3. Replies
    1. goowh! i-kwento na yan! lols :p

      Delete
    2. haha Nate! naisip ko na yan. siguro in the coming posts. pero di ko sasabihin na yan na yun. :D

      Delete
  4. minsan, masarap rin makatikim ng pagkatalo. masaktan ka man, alam mo sa iyong sarili na tao ka pa rin. marunong magmahal.

    ReplyDelete
  5. kaya ingat-ingat pa rin dapat. there's always someone better. :)

    ReplyDelete
  6. Alam mo kung anong ginagawa sa mas magaling sayo maglaro?







    Tinutumba!

    ReplyDelete
  7. At syempre walang smiley ang comment kong nauna para kunwari seryoso hehe :)

    ReplyDelete
  8. ganun talaga, karma will always find its way

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

Japanese Bathhouse

I have never been to a bath house in my life. My knowledge about bath houses all came from blogs - gay blogs.  I discovered in those blogs that in bathhouses in the Philippines, you should leave all your shyness at the door because everybody walks around naked with cock whipping and balls hanging. There is a wet area where you can find the baths, sauna, steam room and shower. They say that's where the action takes place. So in short, you go to bathhouses if your looking for some titillating escapade. So that's what got me excited when I found out that I am going to go to a bathhouse here in Japan. Well aside from experiencing an authentic bathhouse for the first time, I would get to a see a sausage fest of sorts, have a relaxing massage, and hopefully experience some Japanese fun. I was darn nervous but excited.

Thank You

"Thank you..." Parang iyon lang ang pinakaangkop na sabihin sa oras na iyon. Wala ng iba pang maaring ibahagi kung hindi ang pasasalamat. Sa kanilang pagsasama ay pawang kasiyahan lang ang nadama. "Thank you..." Sabay nilang nabanggit ang mga salitang iyon. Isang maiksing katahimikan bago mabulalas. Nagkatinginan, nagkangitian. Tugma ang damdamin, "Thank you..." Hindi man alam saan patutungo, o saan man makakarating. Hindi man sigurado sa mga ginagawa at nararamdaman. Ang pinakamahalaga marahil ay manatili ang pagsasamahan. "Thank you..."