Skip to main content

Entablado

Kakagaling ko lang sa Ateneo para suportahan ang aking kaibigan. Pinanood ko yung unang pagtatanghal ng Entablado ngayon taon na pinangalan nilang Mutya. Dalawang play to na pinakamamahal daw nila kasi marami daw ang gusto mapanood ito ulit kahit 9 years ago pa nila unang itananghal yung mga play na yun. At di naman ako nagulat kung bakit nagustuhan ng tao yun. Sobrang nakakatawa at nakakaaliw yung dalawang play. Ang ganda ng kwento pati yung mga linya. Napakagaling ng mga nagsiganap, ang galing nila magbato ng mga salita pati na ang mga bitaw ng kanilang punchline. Sobra talaga akong natuwa ngayong gabi. Pero sa kabilang dako na-miss ko tuloy magtanghal din sa ibabaw ng stage.

Naaalala ko pa nung highschool kami laging mayroong sabayang-bigkas. Lagi yun. Kada Filipino week at English week. It was a competition between sections sa isang grade level. Aside from that meron pa kami declamation. Ang elimination sa classroom, tapos pipili yung teacher ng pinakamagaling na ilalaban sa ibang section. Tapos nakasali din ako sa isang team na lalaban ng sabayang-bigkas sa ibang school. Member din ako ng choir noon tapos laban kami sa contest - Voices in Harmony ata yun at sa concerts with other choirs. Nakakamiss lang yung ganun. Yung mga practice. Yung mga drama. Yung pagod. Yung bonding. At syempre, yung tagumpay.

Tsaka iba rin kasi yung nasa entablado ka. May certain kaba at excitement na naghahalo sa loob mo. Parang overload ng emotions. Nakakawindang pero parang nakakaadik kapag paulit ulit mo nang gagawin. Hahanap-hanapin mo talaga. Siguro pede mo siyang ihambing dun sa nararamdaman ng mga runners pag tumatakbo sila - yung runners' high. Grabe namiss kong magperform sa stage. Kaya natutuwa ako sa kaibigan ko. Kahit na pinagsasabay ang pagtrabaho at pag-aaral, nagagawa pa rin makapaglaan ng oras sa bagay ng gusto niyang gawin. Siguro ang makakaya ko rin yun balang-araw. Pero sa ngayon, ang entablado lang ng buhay ang pagtatanghalan ko.

Comments

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

Mga ilang tagpo ng gabing iyon

Sa mga oras na iyon, tipong game na lang kaming magkakaibigan kung anong mangyari. Inumpisahan kasi nung isang guy na tumingin sa aming direksyon sa may Starbucks sa Greenfield. Tipong nag-uusap kaming magkakaibigan doon sa labas na tables nang sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking dumaan. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang mahuli kami. Pero ang nakakapagtaka ay kahit makalagpas na siya, ilang ulit pa rin ang dungaw niya sa amin. Eh di parang, "trip ata tayo noon." Sinundan namin ng tingin yung guy hanggang sa nakumbinse namin yung isa naming kaibigan na sundan siya talaga para ayaing makipagkape or whatever. Bumalik si friend na hindi bitbit si Kuya. Ang pangalawang tagpo ay noong papalakad na kami sa EDSA kung saan sasakay ang mga kaibigan ko. Tinagos namin ang Greenfield papunta sa direction ng Rob Forum. Sa bandang Flair pa lang may nakipagtitigan na sa aming lalaki. Yung isa naming kaibigan ang tumawag sa aming atensyon. Sabi niya, tigil lang daw muna kami a...

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...