Sa mga bansang pinupuntahan ko mag-isa, gusto kong maranasan kung paano nagsasaya ang sangkabaklaan nila. Kaya noong nakakilala ako ng bakla dito, inaya ko siyang puntahan yung mga gaybar dito. Una namin pinuntahan yung Apollo . Sabi niya, iyun daw yung pang upperclass na gaybar. Nasa loob siya ng isang mall tapos di rin naman kalakihan. May bar, magandang lighting, lighted runway, stage, tables na kailangan ng reservation at DJ's booth. Tama nga sinabi niya. Upscale gaybar nga yun dahil mga yuppies, execs, at may kaya ang mga andun. Tsaka marami ring foreigners. At di tulad ng karamihan sa Indonesia, maraming nag-e-english doon kaya alam mong upscale. Kasama na sa entrance fee na 175,000rp (700php) ang isang drink. Elibs (wow, straight) ako sa pantatak nila. Invisible ink na kita lang sa blacklight. totyal. discreet ang peg. Mga 12mn na kami nakarating. Sabi ng kasama ko kabubukas lang daw ng bar kaya kakaunti pa lang ang nandoon. So usap-usap muna kami....
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.