Nakaupo na ko noon sa bus sa tabi ng bintana. Hilig ko talaga maupo sa window-side para pag nakatulog ako, may sandalan ang ulo ko. Habang dumudungaw sa bintana naramdaman kong may tumabi sa akin. Una kong napansin ang gym bag niyang dala. Abah, fit ito for sure. At hindi nga ako nagkamali. Triceps pa lang puro cuts na. Biceps pati na ang deltoids, toned din. Tumaas ang tingin ko. Dahan-dahan para di niya masyado mahalatang kinikilatis ko siya. Tsaka para malagyan na rin ng mukha yung mga nakita kong body parts. Pagdating sa mukha, sabi ko, abah, pwede tong si kuya ah. Nang bubunutin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko na matatagpuan sa side nya, napadikit yung siko ko sa tagiliran niya. Sabay kibot naman si Kuya at tingin sa akin at sa siko ko. Mukhang irritable at inis. Tinamaan namna ako ng takot ng slight. Baka homophobic tong mokong na to. Dumistansya na ko baka mabugbog pa ko. Emote na lang ulit ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga palayang lagi ko ...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.