Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2020

Mga ilang tagpo ng gabing iyon

Sa mga oras na iyon, tipong game na lang kaming magkakaibigan kung anong mangyari. Inumpisahan kasi nung isang guy na tumingin sa aming direksyon sa may Starbucks sa Greenfield. Tipong nag-uusap kaming magkakaibigan doon sa labas na tables nang sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking dumaan. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang mahuli kami. Pero ang nakakapagtaka ay kahit makalagpas na siya, ilang ulit pa rin ang dungaw niya sa amin. Eh di parang, "trip ata tayo noon." Sinundan namin ng tingin yung guy hanggang sa nakumbinse namin yung isa naming kaibigan na sundan siya talaga para ayaing makipagkape or whatever. Bumalik si friend na hindi bitbit si Kuya. Ang pangalawang tagpo ay noong papalakad na kami sa EDSA kung saan sasakay ang mga kaibigan ko. Tinagos namin ang Greenfield papunta sa direction ng Rob Forum. Sa bandang Flair pa lang may nakipagtitigan na sa aming lalaki. Yung isa naming kaibigan ang tumawag sa aming atensyon. Sabi niya, tigil lang daw muna kami a