Skip to main content

Mga ilang tagpo ng gabing iyon

Sa mga oras na iyon, tipong game na lang kaming magkakaibigan kung anong mangyari. Inumpisahan kasi nung isang guy na tumingin sa aming direksyon sa may Starbucks sa Greenfield. Tipong nag-uusap kaming magkakaibigan doon sa labas na tables nang sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking dumaan. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang mahuli kami. Pero ang nakakapagtaka ay kahit makalagpas na siya, ilang ulit pa rin ang dungaw niya sa amin. Eh di parang, "trip ata tayo noon." Sinundan namin ng tingin yung guy hanggang sa nakumbinse namin yung isa naming kaibigan na sundan siya talaga para ayaing makipagkape or whatever. Bumalik si friend na hindi bitbit si Kuya.

Ang pangalawang tagpo ay noong papalakad na kami sa EDSA kung saan sasakay ang mga kaibigan ko. Tinagos namin ang Greenfield papunta sa direction ng Rob Forum. Sa bandang Flair pa lang may nakipagtitigan na sa aming lalaki. Yung isa naming kaibigan ang tumawag sa aming atensyon. Sabi niya, tigil lang daw muna kami at tignan kung susunod si Kuya (2). Sabi ko sa kanila, wala ako sa mood umarkila para sa kaligayahan, para saan pa na magkakaibigan tayo diba?! Syempre charot lang yun, di ko talaga sinabi yun. But lo and behold nang tumigil kami ay sabay tingin naman with deep intent si Kuya(2). Nagpatuloy kami sa paglakad at nakasunod pa rin siya Kuya. Sabi ko na lang sa kaibigan ko, di talaga ako payag sa ganun. Malinis at busilak ang intensyon ko sa sex. chos. Pero totoo, wala talaga ako sa mood magbayad ng lalaki.

Kinain ko rin ang sinabi ko sa pangatlong tagpo ng gabi na iyon. Habang pabalik na ako sa Greenfied, nadaan na naman ako sa Flair. (I feel Flair ang sentro ng kalandian sa Manda, na-dethrone na ang mothership, CGS) Sa may malaking flower pot, may nakaupong lalaki, tipong may hinihintay. Ako naman si usiserong nagpasyang sa harap na lang niya dumaan. Nang mapadaan ako sa harap niya, tumingala siya sa pagkakayuko at nagtagpo ang aming mga tingin. Sinabi niya pangalan ko bigla. Nagulat naman ako at nakilala ko rin siya agad. Siya yung dati kong masahista. Siya yung lagi kong binabalik sa spa malapit sa amin. At noong umalis na siya at naging on-call masahista, binu-book ko pa rin siya at nagmomotel pa kami noon.

So hayun nga, sabi ni Masahista, pa-massage na raw ako sa kanya. Of course yung massage na yun may kasama ng extra. Understood na yun. Ang gusto ko kay suking masahista, hindi niya ako pinepresyuhan. Ako na bahala sa kanya. Eh feel kong maging galante noon so nakapagbigay ako sa kanya nang malaki noong gabing iyon. 

Nakapag-usap kami ni suki over breakfast bago kami naghiwalay. Tinanong ko sa kanya kung gusto niya yung ginagawa niya. Di ko akalaing magiging honest siya sa akin sa mga oras na iyon. Sabi niya hindi daw niya gusto pero dahil nga pinasok niya yung trabaho na iyon kailangan na lang daw niya magustuhan. Sabi ko nga sa kanya na naramdaman kong di niya gusto yung ginagawa niya kasi di naman niya hinawakan etits ko or niromansa katawan ko. Nasa masahe talaga at ilang teknik ang bentahe niya. Though may ginagawa naman daw siyang ibang mas daring pero para sa presyo. Pinakita niya sa akin yung price list niya na pinapadala niya sa mga grindr clients niya.

So hayun na nga. Tatlong tagpo sa gabing iyon. Sulat ko pa yung iba kong naranasan sa mga susunod na blogpost. Hanggang sa muli. Sana subaybayan ninyo.

Comments

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.