Napag-isip-isip ko lang noong isang araw na ang laki rin pala ng naitulong ng pag-blog at tweet sa buhay ko. Totoo. Noon, tulad ng nasabi ko na sa Why I blog post ko, nagsimula ako mag-blog just to let out steam and share some personal and intimate stories. Sinimulan ko siya out of sheer boredom dahil nasa kabilang bahagi ako ng mundo, malayo sa aking mga kaibigan. Di nagtagal naging hobby na rin siya na mahirap alisin. Lalo pa akong nahumaling sa pag-blog nang nagsimula na ang pagdating ng followers na sinundan ng comments. Di ko naman naisip noon na magkaroon ng tagasubaybay dahil gusto ko lang naman talaga magsulat. Pero aminin ninyo, ang sarap lang magbukas ng blog tapos makikita mong tumataas yung stats mo lalo na kung may nag-iwan ng comment kahit "nice post" lang yung sinabi niya. Nakaka-good vibes lang kahit papaano. Nang nakisali na rin ako sa pagtalon ng ibang bloggers sa twitter lalo naman akong natuwa. Kasi kita mo na agad in real time kung ano nan...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.