Skip to main content

About blogging and tweeting

Napag-isip-isip ko lang noong isang araw na ang laki rin pala ng naitulong ng pag-blog at tweet sa buhay ko. Totoo.

Noon, tulad ng nasabi ko na sa  Why I blog post ko, nagsimula ako mag-blog just to let out steam and share some personal and intimate stories. Sinimulan ko siya out of sheer boredom dahil nasa kabilang bahagi ako ng mundo, malayo sa aking mga kaibigan. Di nagtagal naging hobby na rin siya na mahirap alisin.

Lalo pa akong nahumaling sa pag-blog nang nagsimula na ang pagdating ng followers na sinundan ng comments. Di ko naman naisip noon na magkaroon ng tagasubaybay dahil gusto ko lang naman talaga magsulat. Pero aminin ninyo, ang sarap lang magbukas ng blog tapos makikita mong tumataas yung stats mo lalo na kung may nag-iwan ng comment kahit "nice post" lang yung sinabi niya. Nakaka-good vibes lang kahit papaano.

Nang nakisali na rin ako sa pagtalon ng ibang bloggers sa twitter lalo naman akong natuwa. Kasi kita mo na agad in real time kung ano nangyayari sa buhay nila. Una kong finollow yung mga bloggers na sinusundan ko. Sabi ko limit ko muna doon. At tulad sa blog, di ko rin naman inaasahang mag-follow back sila. Pero natuwa naman ako if they did. Lalo pa noong nagsimula na kaming makapag-exchange ng tweets. Feeling fanboy lang. Syempre sa simula, careful lang ako kasi baka isipin nila napaka feeler ko naman - feeling close. hehe

Naku, humahaba na pala yung post. Ngayon, bakit ko nga ba nasabi na malaki rin ang naitulong ng pag-blog at tweet sa buhay ko. Di naman actually sa buhay, pero sa sarili ko.

Dahil kasi sa blogging at tweeting, I met a lot of interesting people like me. Naisip ko yun when I was out with some friends from twitter. Sabi ko sa sarili ko, di ko sila makikilala under normal circumstances. Salamat na lang sa blog at twitter, nakilala ko sila. Karamihan sa nakilala ko ay nasa BPO industry, maraming young professionals, entrepreneurs, mga executives, politicians, artista, musician, at porn stars. char lang sa last 5. hehe Pero seriously, salamat sa blog at twitter, masasabi kong naging tunay kong kaibigan ang karamahian sa kanila.

At dahil na rin nga marami akong nakilalang tulad ko, mas nakilala ko rin ang sarili ko. Sabi nga nila, tulad ng isang bahaghari, ang mga tulad natin ay mayroon din iba't ibang kulay. Merong nasa side ng pink, yellow orange. Yung iba asa blue, green, violet. Ngunit kahit na saan man silang kulay ng bahaghari, dala naman nila ang sarili nila. Lahat sila ay kaya dalhin kung sino at kung ano sila. Iyon ang isa sa mga natutunan ko sa kanila. Kung ano ka, panindigan mo. Huwag mong hayaang ibang tao ang magdikta kung paano mo patakbuhin ang buhay mo.

At huli, sa pagkilala sa iba't ibang tao, mas nakilala ko o mas napagtanto ko kung anong mga katangian ang hinahanap ko sa isang special someone. Hindi naman sa nagkakaroon ako ng checklist o requirements sa jowa, nagkakaroon lang ako ng idea kung anong klaseng personalities ang tutugma o magko-compliment sa ugali ko. Mahirap naman yung mag-clash kayo ng personalities di ba. Swak nga sa sex pero pag date na, sablay na kayo. You can't even carry a sensible conversation. Eh yun pa naman ang importante pag tumanda kayo ah di na keri magjugjugan. Lagi kong iniisip na that special someone in your life should bring out the best in you. Kung mas madalas na umiinit ang ulo mo pag magkasama kayo, malamang sa malamang, di kayo tugma sa isa't isa. Kaya nga sabi nila, when you're out meeting people, you're not looking for a perfect guy but someone who is perfect for you. O divah.

Alam kong marami pa kong dapat ipagpasalamat sa blogging at tweeting, sa mga kaibigan kong bloggers at tweeps. Pero yung lang muna ang nasa isip ko. Pag naisip ko na yung iba, next post na lang. 

O siya. Good morning!


Comments

  1. ...words of wisdom from Mamon. *hihi* I'm so glad na you are writing again! :)

    ReplyDelete
  2. BONGGA! hehe

    anyway isa lang yung nakilala kong blogger (na labas sa totoong circle of friends ko) kaso ang lungkot kasi nagstop na siyang magblog.

    interesting mameet ang mga bloggers! someday makikilala ko rin kayo. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. natuwa ako sa BONGGA!

      im looking forward to meet you! ;)

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.