Bale ika-16 na ng Hulyo ngayon sa Pinas at bukas ay ika-17 na. Dapat ay tatlong taon na kami ng huli kong kasintahan bukas. Ngunit tulad ng nasabi ko na sa nakaraang post ay wala na kami. Hindi kami umabot ng isang taon, ni hindi namin nasubukan 'yung pinaghahandaan naming LDR. Kung bakit kami naghiwalay ay sa ibang pagkakataon ko na sasabihin. Hindi iyon ang pakay ko sa post na ito bagkos, ngayon ang simula ng aking paghilom. "Paghilom?! Arteh! Dalawang taon na kayong wala. Move-on, move-on din." Oo, paghilom. Tama nga, dalawang taon na nga. Ngunit kailangan ko maging totoo. Hindi ganoon kadali ang magpatuloy o mag-"move on" tulad ng sinasabi ng nakararami. Sabi nga sa kasabihan, madaling sabihin, mahirap gawin. Ngunit pakiramdam ko ito na ang tamang oras na harapin lahat ng mga alaala at pangyayari at ito na rin ang tamang panahom simulan ito. Sa totoo, ito na ang pinakamatagal ko bago maka-move-on. Doon sa unang tatlo kong kasintahan, mabilis akon...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.