Dito ako ngayon nagbabakasyon malapit sa base ng hukbong sandatahan ng mga Amerikano. Saan man ako pumunta, maraming sundalo ang naroon - mga Kano, Hapon, at Pinoy. Kung saan-saan makikita ang mga sundalo dito - sa grocery, sa mall, sa kainan, sa park, at kung saan-saan pa. Syempre, kapa sinabi nating sundalo, aasahan nating makita na makikisig ang kanilang pangangatawan, malinis ang gupit, diretcho ang tindig at matitipuno. Oo, lahat ng yun ay sila, at karamihan sa kanila, lalo na yung mga nakababata ay gwapo pa. Grabe. Sa isang banyagang bansa, ang hirap ng mamuhay sa loob ng 'closet' dahil hindi mo alam ang kultura nila. Hindi mo alam kung ang minsan mong pagsulyap ay nangangahulugan ng masama sa kanila. Pero masisisi mo ba ako kung mapatingin ako sa kanila ng matagal o kung mapalingon ako kapag dumaan sila? kasalanan nila yun, gwapo, matipuno, at ang pinakagusto ko ay yung uniporme. Shet! I love men in uniform! Hindi ako makagalaw dito dahil wala akong pera at di ko al...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.