Madalas 'pag may tinititigan ako sa jeep at nakikipagtitigan din sa akin, wala namang nangyayari pagkatapos. Laging humihinto sa titig at kindat. Puro senyas, puro pakiramdaman. Pero kahapon iba ang nangyari.
Pagkababa namin ng jeep, matapos mangusap ang aming mga mata, nagkausap naman kami. Nagpakilala sa isa't isa at nagpalitan ng phone numbers.
Nang kinagabihan, napagkasunduan naming magkita. Napagpasyahan namin na pumunta sa Sta. Lucia Mall. Bago kami makarating sa mall, naisip niyang uminom na lang kami. Pero pagkadating namin sa inuman, puno na ito ng tao dahil Sabado nga pala noon. Kaya minungkahi niya na lumipat nalang kami sa Padi's point Marikina. Pumayag na lang ako dahil napapagod na rin akong palipat-lipat.
Sa may tabing-ilog ng Marikina, marami palang inuman dun. Namili kami ng isang lugar at umorder na ng isang bucket ng red horse at sisig. Kwentuhan, tawanan, at matinong usap. Nakakatuwa dahil parang matagal na kaming magkakilala noong nag-uusap kami. Mahilo-hilo, inimbita ko siya sa bahay sa Pasig para doon ituloy ang saya. ;)
Pagdating namin sa bahay, nakita naming bukas pa ang mga ilaw na nangangahulugang may gising pa. Nakakabitin yung pakiramdam. Andoon na nga, napurnada pa. Sa labas ng pintuan, naghalikan kami. Ang sarap, mainit, passionate. Pero bitin.
Inisip na lang namin tumambay sa village nila sa Cainta. Pero di kami doon natuloy. Bumalik kami sa pinanggalingan namin sa Marikina. Doon kami tumambay. Doon nag-usap ng matagal. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Nakulitan. Nag-bonding. Para kaming magbarkada. Para kaming malapit na magkaibigan. Para kaming magkapatid. At dahil hindi siya pwede pang umuwi dahil wala siya susi sa bahay, nagtagal kami doon hanggang alas singko ng umaga.
Natuwa ako sa nangyari sa amin noong gabing iyon. Di tungkol sa sex. Di tungkol sa libog. Tungkol iyon sa matinong pag-uusap. Sa pagtuklas ng sarili at pagbahagi ito sa ibang tao.
Noon lang kami nagkakilala. Maaari din na iyon na ang huli naming pagkikita. Pero sa kaunting panahon na iyon parang naging mas makabuluhan pa ang pag-uusap namin kaysa sa iba ko pang kaibigan. Ngayon, naniniwala ako na minsa'y kailangan mo talagang makakausap ng isang estranghero upang magkaroon ka ng ibang pananaw sa buhay.

True!
ReplyDeleteBakit naman iyon na ang last meeting nyo? Mukhang oks naman kayong dalawa...
ReplyDeletenope. di yun ang last meeting namin., nasa ibang post pa siya :D
Delete