"You're a treasure! You know that? :D" Ang sarap lang masabihan ng ganun. Kahit sa simpleng usapan lang sa chat, iba pa rin ang naging dating sa akin. Parang napakahalaga ko. Parang ang laki ng nagawa ko para sa kanya. Sobrang nakakagaan ng puso. Lalo na ngayong hindi ko alam kung anong ginagawa ko sa buhay, napakalaking tulong ng mga salitang iyan para maibsan ang nararamdaman kong lungkot. Salamat. Salamat sa mga salitang iyan. Salamat lalo na't galing iyon sa iyo.
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.