Sa bus, nakaupo ako sa may window side. Hinihintay na lang mapuno ito para makaalis na. Isa na sa mga huling pumasok ay si boy-bata may suot na backpack at may dala-dalang grocery bags sa magkabilang kamay. May sinusundan siyang lalaking may malaking bag na dala. Inakala kong magkasama sila. Naupo si Boy-bata sa tabi. Napatingin ako at napaisip, pede si Boy. Ako ay pagod na dahil sa buong umagang pagbabanat kaya di ko na lang siya pinansin. O sige, inaamin ko na minsa'y tila inakit ko siya sa paminsang pagkambyo. Pero natapos lang yun sa ganun. Nang magsimula ng umandar ang bus. Napansin kong si BB ay palinga-linga sa direksyon ko. Naman, trained eye ata 'to. Malinaw ang peripheral vision. Noong nakita ko ulit siya tumingan, ginantihan ko rin siya ng tingin. Iniisip ko kung may balak nga si BB sa akin ay makikipagtitigan ito. Nang pagtingin ko sa kanya, bumaling naman siya ng tingin. Malamang assuming lang ako, bulong ko sa isip ko. Matapos makaikot na ang kundoktor at mangole...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.