Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2013

Daliri

"Nahiya ako sa'yo kasi hinawakan ko kamay mo.." Ang tahimik lang niya nang nakilala ko siya noon. Sa ingay at gulo ng paligid, kasama na ang walang humpay na kwentuhan ng barkada, ay sa kanya lang ako napapatitig lagi. Unang pagkakataon ko lang siya nakita noon. Sinama siya ng isang kaibigan sa lakad para ipakilala. Wala namang kakaibang nangyari noong kami ay kumain ng hapunan hanggang sa konting pulutan. Nagkataon naman na kami ay magkatabi habang tuloy ang tawanan at kwentuhan sa may hapag-kainan, kasabay ng saliw ng musika galing sa isang kumakanta sa videoke. Tinibayan ko ang aking sarili. Naging matapang at mapangahas ako nang idinikit ko ang tuhod ko sa hita niya. Naghihintay ako ng pag-iwas ng kanyang hita ngunit di iyon nangyari. Bagkos kumuyakoy pa siya at pakiramdam ko'y may konting pagdiin mula sa hita niya. Itinuloy ko ang aking kapangahasan, habang nakipag-usap at nagke-kwento ay bahagya o sandali ko naman pinapatong ang kamay ko sa hita...

V-day-han

As of publish time, kahahatid ko lang kay... itago na lang natin sa pangalang.. Tol sa sakayan. (back story here .) Nanggaling siya dire sa bahay namin at dito na siya nagpalipas ng kaunting oras matapos ang aming munting lakad kagabi. Ang plano kagabi ay magpunta sa Fair upang makipagsaya at dun magpalipas ng araw ng mga puso. Pag dating namin sa lugar ay sandamukal ang tao sa may main entrance. Makikita ang isang mahabang pila para sa tickets at tatlong mas mahabang pila pa para sa entrance. Bilang alas nuebe na iyon ng gabi ay nagpasya kami na kumain na lamang sa Technohub. Doon ay nagkwentuhan kami habang nagsasalo sa lechon at lechong paksiw. Gusto ko sanang itanong sa kanya yung tungkol sa mga text message namin, at sa mga subtle hints noong kami ay nag-overnight. Pero syempre baka assuming lang ako kaya pinigilan ko ng itanong. Nang nasa bus na kami pauwi (lintik na bus yan, puro na lang sa bus :p) hinawakan niya ang kamay ko. Symepre humawak na rin ako nang mahigpit...

Treading on dangerous waters

Pumasok ako sa grupo na iyon para maging mabait at maituwid ang mga mali kong pamamaraan at pamumuhay. Sabi ko kapag napaligiran ako ng mababait o nagpapakabait, baka naman mahawahan ako at magpakabait na ko. Ang grupo na ito ay binubuo ng mga taong wala pang asawa. Kamakailan ay lumabas kaming mga lalaking magkakapatid sa pananampalataya para sa aming buwanang pagtitipon. Ginanap ito sa bahay ng isa sa amin sa Rizal. Sa laboy naming iyon ay napalapit ako sa isa sa kanila. Nagkasabay kami sa paglalakad at doon kami nakapag-usap ng matagal. Sa umpisa pa lang ay parang 'naamoy' ko na siya. Mayroon siyang kakaibang 'mannerisms,' pananalita, at galaw. Malakas ang tiwala ko sa aking radar sa mga ganyang bagay. Ngunit isinangtabi ko ito dahil baka nagiging malisyoso lang ako. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong nagkasama kami sa ilalim ng payong upang umiwas sa init ng araw. Nagkaroon ng oras na nakahawak siya sa braso ko. Madali talaga ako mahulog 'pag nahahawakan...

E ano

Gusto mo nga Di ka naman gusto Iyak ka na lang Gusto mo nga Asa malayong lugar naman LDRs don't usually work out Gusto mo nga May jowa naman Maninira ka pa ng relasyon Gusto mo nga Di naman nya alam Nganga ka na lang Gusto mo nga May gusto naman siyang iba Makikipag-agawan ka pa Gusto mo nga Straight naman Converter ka na te? Gusto mo nga Gusto ka rin pala Ano pa hinihintay mo? Gusto mo nga E ano naman.

*sad face*

Talo ko pa ang nasa MMK sa ka-dramahan kanina sa bus. Habang nasa byahe papuntang Maynila, sabay naman ang tulo ng luha. Yung tipong namumuo muna sa loob tapos unti-unting tutulo sa gilid ng mata. Kainis lang. Tapos nasa aisle seat pa ko, so kitang-kita ng madla. Ang hirap lang kasi nung may gusto kang sabihin sa isang tao pero nagpasya kang kimkimin na lang para di siya masaktan. Ang sakit noon sa kalooban. Parang gusto mong sumabog. Kaya ganun na lang ginawa ko. Inilabas ko na lang sa luha. Mega-punas naman ako sa bus parang tange at pikit na lang ng mata. Eventually, nakatulog din ako hanggang sa campus. Galit. Lungkot. Inis. Awa. Hiya. Sisi. Halo-halo na lahat ang nararamdaman ko. Buti na lang ngayon ay pede ako makapagmuni-muni kung saan mo. Nasabi ko na rin dati na gusto ko ng escape. Kung pede lang sana tumakas na ng tuluyan. :'(

Pseudo

I remember an advice I gave someone before. I asked him if it was really love that he was feeling for someone or has he just fallen in love with the idea of loving that someone. Too many of us mistake the feelings we have towards a person as love. We easily jump to the conclusion that indeed we have fallen for that person. We sometimes neglect to re-examine our feelings to trace where it's coming from. I remember telling him that in my opinion, what he was feeling was not love, at least not yet. I acknowledge that he indeed have strong feelings towards that person, but i think not enough to call it "love."  Strong feelings. At that time, it was easy for me to say it. It was easy to give an advice without even understanding how he must have felt. But now I somewhat get the idea of strong feelings. There's that attraction you feel with out having an explanation. For me, it's the butterflies I feel in my stomach when I am having a conversation with him. ...