Skip to main content

Daliri



"Nahiya ako sa'yo kasi hinawakan ko kamay mo.."


Ang tahimik lang niya nang nakilala ko siya noon. Sa ingay at gulo ng paligid, kasama na ang walang humpay na kwentuhan ng barkada, ay sa kanya lang ako napapatitig lagi.

Unang pagkakataon ko lang siya nakita noon. Sinama siya ng isang kaibigan sa lakad para ipakilala.

Wala namang kakaibang nangyari noong kami ay kumain ng hapunan hanggang sa konting pulutan.

Nagkataon naman na kami ay magkatabi habang tuloy ang tawanan at kwentuhan sa may hapag-kainan, kasabay ng saliw ng musika galing sa isang kumakanta sa videoke.

Tinibayan ko ang aking sarili. Naging matapang at mapangahas ako nang idinikit ko ang tuhod ko sa hita niya. Naghihintay ako ng pag-iwas ng kanyang hita ngunit di iyon nangyari. Bagkos kumuyakoy pa siya at pakiramdam ko'y may konting pagdiin mula sa hita niya.

Itinuloy ko ang aking kapangahasan, habang nakipag-usap at nagke-kwento ay bahagya o sandali ko naman pinapatong ang kamay ko sa hita niya na wari'y sa hita ko talaga nais ito ipatong. Walang pagtutol na naganap mula sa kanya, ngunit di ko naman inabuso ito.

Naengganyo na ko sa pakikipagkwentuhan at sumuko na ko sa pagpaparamdam sa kanya. Di ko namalayan na nakapatong ang kamay ko sa hita ko. Naramdaman ko na lang na may daliring humawak sa mga daliri ng kamay ko.

Kahit nagulat, hindi ko ito ipinahalata sa iba. Nakipaghawakan ako ng daliri sa kanya ngunit kumawala rin sandali upand di mahalata ng iba. Sa oras na yun, nagkaintindihan na kami. Matapos yun ay nagkaroon pa ng maraming beses na ang kamay ko na ang nakapatong sa hita niya o ang kamay niya sa hita ko.

Tila gawa talaga ng tadhana na magkasabay kami ng daan pauwi. Nagpalakad-lakad kami ng nakaakabay. Nagpapakiramdaman. Nagpaparinigan. Hanggang sa naibulalas na namin ang aming gusto.

"Nahiya ako sa'yo kasi hinawakan ko kamay mo.."

"Bakit ka naman mahihiya, gusto ko rin yun e"

Una naming narating ang bahay nila. Imbes na magpaalam at humayo na, sumunod ako sa kanya papasok sa kanila na tanging ang mata lang namin ang nangusap.

Sa kwarto ay nangyari na ang kanina pa nangyayari sa aming isip. Nagsimula sa halik, sa mainit na halik at yakap. Hindi nagtagal ay unti-unti ng natanggal na ang aming saplot hanggang sa wala nang telang pumapagitna sa amin. labi. pisngi. leeg. dibdib. tiyan. baywang. hita. at... sa bawat sulok ng kanyang katawan ay pinuno ko ng halik. Ganoon din ang natanggap ko mula sa kanya.

Naging malambing ang unang yugto ng aming pagsasama. Nagpahinga kami sandali at nagkwentuhan. Sinubukan niyang pumikit at umidlip ng saglit. Ang sarap lang niya titigan habang natutulog. Napakapayapa.

Pagkatapos ng ikalawang yugto ay hinayaan ko na talaga siyang umidlip dahil mukhang napagod talaga siya dahil sa isang linggong trabaho niya. Katabi sa pagtulog. Kayakap sa ilalim ng kumot. Sarap lang itigil ang oras para tumagal ang sandaling iyon.

Malapit ng magpakita si haring araw kaya kinailangan ko na rin umalis. kailangan ko na ring magpaalam sa isang napakasayang sandaling iyon kasama siya. Humalik. Yumakap. Nagpaalam.

Iyon ang una kaming magkasama at makapag-usap nang matagal ngunit pakiramdam ko ay napakatagal na naming magkaibigan. Iyon na rin ang naging huli naming pagsasama dahil matapos ang ilang linggo ay lumipat na sila ng matitirhan ng kanyang pamilya.

Ngunit kahit na kami ay nagkahiwalay at di nagkatuluyan, mayroon parin siyang puwang na nakalaan sa aking puso. Sabi ko nga sa kanya, di niya kailangang makipagsiksikan sa puso ko dahil mayroon talagang lugar doon na nakalaan para sa kanya. At kung sakaling babalik siya, alam niyang mayroon siyang babalikan.

Comments

  1. Heto yung damang-dama ko:

    Sabi ko nga sa kanya, di niya kailangang makipagsiksikan sa puso ko dahil mayroon talagang lugar doon na nakalaan para sa kanya....

    Ang ganda ng pagkakakwento... hanep!

    ReplyDelete
  2. Ang galing mo palang sumulat :D

    Gano ba kalaki yung nakalaan na lugar para sa kanyan sa puso mo? haha


    Oy salamat nung sunday ah. Kita kits ulit next time :D

    ReplyDelete
  3. nagustuhan ko din ang pagkaka kwento mo... tumatak din sa akin ang ending...

    bilib ako sa pagmamahal niya...

    nice one

    ReplyDelete
  4. Ang lalim ng pinaghugutan. ramdam ko ang panghihinayang.

    ReplyDelete
  5. ang ganda lalo na yung huling linya na, di naman kailan na ipagsiksikan ang sarili para lamang sa kanya sapat na malaman na may puwang siya sa puso mo...

    ReplyDelete
  6. Senyor: Yan din paborito ko e. hihi. salamats :)

    Archieviner: salamat. saktong sakto lang for him. hehe see yah around :)

    JonDmur: maraming salamat sir :D

    Mugen: kuya :(

    Axl: salamat po hehe

    ReplyDelete
  7. gawa ka pa ng maraming ganito... hindi graphic pero tagas hanggang laman at koloob-looban... hehehe...

    sarap ma-inlove... kakamis tuloy yung feeling... tss

    ReplyDelete
  8. aaaaaw.. nakakakilig yung patagong hawakan ng kamay hihi..

    ramdam ko naman ang puwang nya sa puso mo..kung sino man sya ;)

    new follower po :)

    ReplyDelete
  9. yun oh!!!
    in fairness mamoncito ha,, pumapayagpag ka sa mga ganitong eksena!!

    hehehehehe..

    kelangan na natin itong pag-usapan,,
    namimiss na kita!!!

    :)

    ReplyDelete
  10. Senyor: Marami pa yan :P

    Pink Line: Naku mam, sigurado ka ba sa pinasok mo? hehe. welcome. Read at your own risk... you have been warned LOL

    Ceiboh: LOL magkita na nga tayo!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...

Limp

I'm feeling a little limp tonight - maybe it's the vagueness of my future or the dilemmas I am facing or the lack of financial stability I am experiencing - but all I can do is just speculate. I thought I have gone through this already, the quarter life crisis as they say - emotional lability, constant questioning of worth, and unexplainable emo-shit. I'm tired of this, tired to wake up each morning and feel unsure of everything. Ugh. I just want to shake this off. Anyway, speaking of shaking things, here's one topic I wanted to write about for so long. I first heard it from some friends [ang mag-react, guilty! hahaha] and it got me curious, though I have to say, I really don't need this. *ehem* What is it? It's penis enlargement. Yes, my dear friends, you read it right. PENIS ENLARGEMENT . The natural kind. They call it Jelq . They say Jelqing was derived from an Arabic word meaning 'milking', which is the main motion of this technique....