Skip to main content

Treading on dangerous waters


Pumasok ako sa grupo na iyon para maging mabait at maituwid ang mga mali kong pamamaraan at pamumuhay. Sabi ko kapag napaligiran ako ng mababait o nagpapakabait, baka naman mahawahan ako at magpakabait na ko. Ang grupo na ito ay binubuo ng mga taong wala pang asawa.

Kamakailan ay lumabas kaming mga lalaking magkakapatid sa pananampalataya para sa aming buwanang pagtitipon. Ginanap ito sa bahay ng isa sa amin sa Rizal. Sa laboy naming iyon ay napalapit ako sa isa sa kanila. Nagkasabay kami sa paglalakad at doon kami nakapag-usap ng matagal.

Sa umpisa pa lang ay parang 'naamoy' ko na siya. Mayroon siyang kakaibang 'mannerisms,' pananalita, at galaw. Malakas ang tiwala ko sa aking radar sa mga ganyang bagay. Ngunit isinangtabi ko ito dahil baka nagiging malisyoso lang ako. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong nagkasama kami sa ilalim ng payong upang umiwas sa init ng araw. Nagkaroon ng oras na nakahawak siya sa braso ko. Madali talaga ako mahulog 'pag nahahawakan na ko eh. (Alam ninyo na kiliti ko. lol ). Tapos meron pang oras na nakaakbay siya sabay pisil pa sa balikat ko. Sa isip ko, 'ano ba 'to?! tukso layuan mo ako.' Bilang patapos na rin naman ang aming lakad at kami ay uuwi na, minabuti ko nang kalimutan ang aking masamang iniisip (at binabalak) at magpatuloy sa buhay na maayos. Ngunit ang huling paramdam niya ay noong kami ay nagkatabi sa jeep. Inayos ko ang aking bag upang di makaharang sa mga taong dadaan pero hinatak niya ito ng bahagya para ipatong sa kanyang hita. Napatingin na lang ako sa kanya. Sumagot naman siya ng ngiti. Habang nakapatong ang braso ko sa bag, pinatong naman din niya ang braso niya at siniksik tabi sa braso ko. Samakatuwid, sa buong byahe namin pauwi ay magkadikit ang aming braso.

Hindi ko na dapat pag-iisipan pa ng masama ang mga nangyaring bagay na iyon sa amin ngunit napatunayan ng text niya sa akin noong sumunod na araw ang aking mga hinala.

-alam ko hindi ako COKE
para maging HAPPINESS mo..

-hindi NIDO para maging
NUMBER 1 mo..

-at lalong hindi MCDO para
masabi na 'LOVE KO TO'

Pero di man kita MAKASAMA forever,
sana...

parang NESCAFE na lang
"LET'S MAKE EVERY
MOMENT PERFECT!"

Pramis! Kinilig ako ng sobra sa trabaho noong nabasa ko to. At doon na nga nagsimula ang palitan namin ng text message. Noong simula, mejo wholesome pa eh. Kulitan. Nagpapakiramdaman. Pero parang nagkaalamanan na rin kinalaunan.

Hindi ko man alam kung ano ang kahihinatnan ng anumang sinisimulan namin ngunit gayunpaman ako ay umaasang magbubunga ito ng maayos na samahan.

Bukas pala ay naaya ko siyang pumunta sa aming Fair sa campus. Enjoy enjoy lang kami dun :)






On a different note: I would like to thank the people who showed their concern regarding one of my posts. I deeply appreciate it. :)

Comments

  1. sige lang... gudlak at sana magkita kayo bukas...timing talga ang post na ito sa Vday...

    ReplyDelete
  2. Naks, ikaw na ang may Valentines Day. :D Kitakits. :)

    ReplyDelete
  3. senyor: salamat! kita ko mga pics nio inggit ako. sama nio ko sa labaa nio :)

    shogun: kita kits? sino ka?

    ReplyDelete
  4. shogun: akala ko naman kung sinong Shogun. (na-paranoid lang :P)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

A Walk to Equanimity Spa

I was just feeling really tired that day. There was all sort of stress that came my way that week - coming from deadlines from school and from the chaos in the family. All I want was just to have a relaxing massage since it has been a week since my last one. It was just fitting to reward myself with a good old rub down to ease tension from my body and my mind. So that night, I decided that I would get a massage no matter what. The bus I rode from school dropped me off at Kamuning Road. I decided not to go to my suking massage place because the new attendants there were young and very much inexperienced, as far as massage technique is concerned. That night I wanted quality massage really worth paying money for. In Kamuning, I remember passing-by a number of spa before. So I walked the street from EDSA to scout the area and look for a good massage place. The first spa that I passed-by had a black brand (which name I could not remember). It seemed nice but the feeling I had made me w...