As of publish time, kahahatid ko lang kay... itago na lang natin sa pangalang.. Tol sa sakayan. (back story here.) Nanggaling siya dire sa bahay namin at dito na siya nagpalipas ng kaunting oras matapos ang aming munting lakad kagabi.
Ang plano kagabi ay magpunta sa Fair upang makipagsaya at dun magpalipas ng araw ng mga puso. Pag dating namin sa lugar ay sandamukal ang tao sa may main entrance. Makikita ang isang mahabang pila para sa tickets at tatlong mas mahabang pila pa para sa entrance.
Bilang alas nuebe na iyon ng gabi ay nagpasya kami na kumain na lamang sa Technohub. Doon ay nagkwentuhan kami habang nagsasalo sa lechon at lechong paksiw. Gusto ko sanang itanong sa kanya yung tungkol sa mga text message namin, at sa mga subtle hints noong kami ay nag-overnight. Pero syempre baka assuming lang ako kaya pinigilan ko ng itanong.
Nang nasa bus na kami pauwi (lintik na bus yan, puro na lang sa bus :p) hinawakan niya ang kamay ko. Symepre humawak na rin ako nang mahigpit. Doon na nagsimulang magkaalaman ng tunay na nararamdaman.
Si Tol mukhang ayaw pa talagang umuwi. Sabi ko masyado nang gabi kung luluwas pa kame papuntang probinsya. Kaya naisipan kong isama na lang muna siya sa bahay dito sa Maynila.
At naging piping saksi na nga ang aking silid sa aming pagsasama. Naalala kong nasabi ko sa kanya, "Malambing mo lang, di ka malibog. Kasi kung malibog ka, kanina pa tayo nag-ch***an." Tunay nga na malambing lang siya. Nakakatuwa lang.
Kung baga sa motel, pang-short-time lang ang stay niya dito, mga tatlong oras lang. Pero ang short time na iyon ay sulit na sulit pa rin upang kami ay mas magkakilanlan. Han. :D
one word : yihhheeeeeeeeee!! :))
ReplyDeletenakaka-kilig!!!!
ReplyDelete:)
-ceiboh
Naks naman si Hustin. :)
ReplyDeletemay V date! :D Happy for you... :)
ReplyDeletekerengkeng!
ReplyDeletelolz
saya! hahaha... woot!!
ReplyDelete- exhumed_angel
Love comes in different shape and sizes..happy you found one... tuloy tuloy na yan palekoy.
ReplyDeletereading the POI first, mahilig ka palang makipaghawakan ng kamay... pahawak naman....hihihi...
ReplyDeletemagaling ka magsulat... parang kasama mo lang kami sa narration...
Zai: ahihi
ReplyDeleteCeiboh: hahaha friend :)
Mugen: Sayang di tayo nagkita noon
healthworker: thanks man
Ternie: wag mo ko itulad sayo noh hehe
ReplyDeleteExhumed: woot woot hihi
June: salamat parekoy
Senyor: uu weakness ko yun. thanks, iniisip ko kasi kinikwentuhan ko lang kayo :)