Kamakailan lang ay nadagdagan na naman ang bilang ng aking gulang. Hindi na mapagkakaila na tumatanda na talaga ako sa bente-syete. Masaya ko namang ipinagdiwang ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsalubong sa aking kaarawan kasama ng malalapit na kaibigan. Tunay ngang naging masaya ang pagsalubong namin - kain sa buffet at inom ng mga banyagang alak na noon ko lang nakita. Simple ngunit may kurot pa rin. Ngunit sa aking pagsalubong, hindi ko naiwasang malungkot nang bahagya. Naisip ko, sa gulang kong ito, ano na ba ang narating ko? Nadadagdagan ako ng taon ngunit hindi naman nadagdagan ang mga nagagawa ko sa buhay. Parang ganoon pa rin, walang pagbabago. Nabulalas ko ito nang sandali sa aking kasama sa hotel room nang kinamusta niya ko. Ngunit sa alaalang iyon ang aking kaarawan, pinapaliban ko muna ang isipang iyon. Kailangan masaya ako, bulong ko sa sarili. Sinaglitan kong binisita ang facebook. Nagulat ako sa aking nakita; ang mga kamag-aral ko noong kolehiyo ay g...
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.