Skip to main content

Bakit wala ka pang girlfriend?



Yan ang kadalasang tanong sa akin ng mga taong nakakasalamuha ko. Minsan wala lang para sa akin. Minsan kinakabahan ako dahil baka naghihinala na sila sa aking pagkatao. Minsan nama'y naiinis na ko sa pagtatanong nila nang paulit-ulit para bang nanghihimasok na sa buhay ko.

Siyempre ang mga nagtatanong nito sa akin ay iyong mga taong iniisip pa rin nila ay straight ako - mga kamag-anak, mga kaibigang lalaki at babaeng, mga katrabaho, at mga kakilala sa simbahan. Sa dalas na natatanong yan sa akin, hindi ko na pinag-iisapan sila ng masama kung bakit biglang natanong nila 'yon. Kaya sa lahat ng nagtatanong sa akin, isa na lang ang sagot ko.

"Career muna bago girlfriend."

Straight man o hindi, valid naman din para sa akin iyong dahilan ko. Bakit? Una, ayaw ko munang pumasok sa isang relasyon nang hindi ako panatag kung pera ang pag-uusapan. Ayaw ko yung sa tuwing lalabas kayo, iisipin mo kung saan makakatipid o kung ano ang pedeng gawin sa limitadong budget. Nakakahiya para sa akin. Nangyari na kasi yan. Dating-phase pero di ako makapag-aya dahil wala akong panggastos. Pag siya naman nag-aaya, tumatanggi ako. Kaya di ko muna pinagpatuloy.

Pangalawa, sa karera pa rin, ito ang sinasabi ko sa aking mga kamag-anak. Ayaw ko kasi nang may maiiwan ako. Bakit? Dakila man ang propesyon ko dahil tao at buhay ang aming binabalik sa dati nilang kalagayan, hindi ito masyadong napapahalagahan dito sa ating bayan. Ang natatanging paraan upang ang buhay naman namin ay guminhawa kahit papaano ay mangibang bansa. Kaya wala ring saysay magkaroon ng girlfriend at iiwan ko rin sa huli.

Pangatlo, bakit wala akong girlfriend. Wala namang kinalaman sa career o pera, takot lang kasi ako sa commitment. Bakit? Dahil sa mga relasyon sa paligid ko - ang mga magulang ko ay naghiwalay noong bata pa ako at ang kapatid kong babae ay isang crazy girlfriend. Kaya siguro ayaw ko lang maranasan yung naranasan nila. Sabi nga ng mga katrabaho ko, baka kailangan ko raw magpatingin sa psychologist para maayos ang issues ko. Siguro isa rin yan sa dahilan (hindi naman sa sinisisi ko sila) kung  bakit naging ganito ako ngayon.

Panghuli, nais ko munang makamit ang tunay na kalayaan - kalayaan sa pagpasya, kalayaan sa utang, at kalayaan sa tirahan. Sa ngayon kasi ay nakaasa pa rin ako sa pamilya para sa mga kailangan ko sa aking pang-araw-araw na gastusin at gawain. (May trabaho ako ngunit boluntaryo lang iyon, at pinagpapatuloy ko ang pag-aaral ko.) Sa totoo lang, hindi iyon nakakatulong sa self-esteem ng isang tao lalo na ng isang lalaki. Gusto natin tayo ang nasusunod, ang gumagawa ng desisyon. Kaya't hanggang andito pa rin ako sa puder ng aking pamilya, kailangan ko munang magtimpi at magpasensya.

Ngunit, para sa inyong nagbabasa, marahil ang tanong ninyo ngayon, "kung makamit mo na lahat yan, hahanap ka na ba ng girlfriend?"

Para sa akin, mahirap magsalita ng tapos. Marami pa akong mas kailangang pagtuunan ng pansin kaysa magpasya agad kung ano ba talaga ang makakasama ko sa buhay. I'll just cross the bridge when I get there. Sa ngayon, kinikilala ko pa ang aking sarili. Kada araw naman na lumipas ay isang araw upang makilala natin ang ating sarili. Kaya umaasa naman akong darating din ang panahon na masasagot ko rin yan nang diretso at walang alinlangan. Sabi ko nga sa isang nakaraang entry, ako lang ay isang taong nagmamahal - ngayon siguro ang pagmamahal na iyon ay naitutuon ko lang sa lalaki.


Comments

  1. Parehas pala tayo ng propesyon. :)

    Yan din sinasabi ko sa mga nagtatanong, lalo na ang Papa ko. "Trabaho muna!" at "Wala nga akong panggastos sa sarili ko, tapos makikipag-date pa ako?" *hahaha* O diba. Convinced naman sila.

    Ang ganda ng pagtatapos ng entry mo. Malinaw na malinaw. At least, alam mo sa sarili mo ang gusto mo diba. :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho tayo? nice :)

      wahaha parehong pareho tayo ng sagot haha sabi ko pa sa kanila, bigyan niyo ko pang-date, hahanap ako ng girlfriend haha hayun, atras sila.

      salamat Geosef, malabong malinaw hehe :)

      Delete
  2. it's actually fun to set up a budget tas in the end hnd rin masusunod kasi sadyang masaya kayo at gusto nyo gawin ang lahat ahaha

    just like me haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayiie tapos may comment din hubby sa baba :P

      Delete
  3. I was about to comment, but it was worth to stand as an entry. :)

    ReplyDelete
  4. hahaha natawa naman ako dun @Mamon

    ReplyDelete
  5. speaking of which, I was always asked by my dad as well, as in every time he would be back in Manila (for a week) he will ask me daily... "Wala ka pa bang girlfriend?" "San na girlfriend mo?" "Anak, bakit wala ka pang girlfriend?" even my aunt from the US would post in pictures in my FB asking "Ung katabe mo bang girl GF mo?" "Your friend is pretty, GF mo?"

    hahaha but ever since I told my mom about me and V my dad never asked me anymore and we never talked about it either :) but nonetheless I like your last statement.

    Wish you all the best @Mamon

    ReplyDelete
    Replies
    1. mga relatives abroad, pag nakikita talaga mga pics sa FB tanong-tanong agad haha kaya tuloy ako nagkaroon ng somewhat of a "beard" para lang di na sila magtanong-tanong

      Thanks Jjampong!

      Delete
  6. Waaah!

    Im sorry, Kalansaycollector. Nabura ko yung comment mo. ganyan talaga pag mataba ang daliri, mali-mali ang napipindot sa touchscreen.

    For sure pag sinabi mo yun sa parents mo cartwheel, somersault, at turning back flip pa gagawin nila :)

    ReplyDelete
  7. Ang dami mong reasons pala kung bakit wala ka pang girlfriend.

    Kung ako ang tinanong, one liner lang ang sagot ko "may boyfriend na po kasi ako" sabay matamis na hihihihi (with gumamela sa tenga hahaha!)

    ReplyDelete
  8. Kasi i choose to follow my heart! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. you chose your heart and not your p*nis? yun ba yun? hehe

      Delete
  9. good vibes talaga tong post na to hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha thanks. last post mo, sobra namang nakakakilig hihihi

      Delete
  10. hehe, I'm glad na kinilig ka :) haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.