Skip to main content

Sa Taon at Pagtanda

Kamakailan lang ay nadagdagan na naman ang bilang ng aking gulang. Hindi na mapagkakaila na tumatanda na talaga ako sa bente-syete.

Masaya ko namang ipinagdiwang ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsalubong sa aking kaarawan kasama ng malalapit na kaibigan. Tunay ngang naging masaya ang pagsalubong namin - kain sa buffet at inom ng mga banyagang alak na noon ko lang nakita. Simple ngunit may kurot pa rin. Ngunit sa aking pagsalubong, hindi ko naiwasang malungkot nang bahagya.

Naisip ko, sa gulang kong ito, ano na ba ang narating ko? Nadadagdagan ako ng taon ngunit hindi naman nadagdagan ang mga nagagawa ko sa buhay. Parang ganoon pa rin, walang pagbabago.

Nabulalas ko ito nang sandali sa aking kasama sa hotel room nang kinamusta niya ko. Ngunit sa alaalang iyon ang aking kaarawan, pinapaliban ko muna ang isipang iyon. Kailangan masaya ako, bulong ko sa sarili.

Sinaglitan kong binisita ang facebook. Nagulat ako sa aking nakita; ang mga kamag-aral ko noong kolehiyo ay ganap ng mga doktor sa pagpasa nila ng board exams. Dama ko ang tuwa nila sa bawat status ng pasasalamat. Lubos akong nagalak para sa tagumpay ng aking mga kaibigan. Ngunit dinalaw na naman ako ng panghihinayang.

Kung sana ay pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko sa pagdo-doktor ay marahil kasama na rin nila ako ngayong nagbubunyi. Wala pa kasing doktor sa pamilya kaya magiging isang kakaibang tagumpay iyon kung sakali.

Pero araw ko nga iyon, 'ka ko. Araw ko iyon upang ipagdiwang ang taon na nakalipas. Bagaman may ganoon man akong naramdaman kailangan kong maisip na mas marami pa rin ang dapat ipagpasalamat at ipagdiwang - ang aking buhay, kalusugan, pati na sa aking pamilya, kamag-anak at kaibigan, ang aking edukasyon, at ang aking pag-iisip at kalagayan.

Ika nga ng aking kasama, may takdang oras para sa lahat ng bagay. Marahil hindi pa ngayon ang oras na iyon. Ngunit wala namang hindi nadadaan sa pagsisikap at pananampalataya.

Para sa kasiyahan, kalusugan at sa hinaharap! Para sa buhay! Cheers!

 Sige sa mantsa!!!


Comments

  1. Belated happy birthday Mamon! :)

    Age is just a number. Isipin mo na lang na may mga taong hindi na umaabot sa ganyang edad. Kaya blessed ka pa din di ba. *hehe*

    Stay happy.

    ReplyDelete
  2. Wala bang over over over post birthday celebration hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede naman, basta KKB. hehe yung 7-11 nga natin di ka naman matuloy-tuloy :P

      Delete
  3. Maraming bagay pa ang maaaring ipagbunyi at maging simbolo ng tagumpay bukod sa mga pangarap na tila nalagpasan na ng panahon o edad. Sige lang ng sige, lakad lang patungo sa bukas na walang hanggan at mararating mo rin ang liwanag ng tagumapay na iyong minimithi.

    Maligayang kaarawan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka nga ginoo. bawat araw na paghinga ay tagumpay na maituturing.

      Salamat ginoong Sloane hehe :D

      Delete
  4. Belated happy birthday!! :)

    Kakainom ko lng din ng Heineken, cheers to you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat!

      Actually Coors lang at Kirin yung nainom ko jan, the rest sa kasama ko na.

      cheers!

      Delete
  5. eventually you'll realize that older is better.

    i'm 31 and i'm enjoying my 30s.

    belated happy birthday!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko na nga mag-fast forward to 30's e. feeling ko mas ok.

      thanks!

      Delete
  6. Maligayang kaarawan ginoo. Pasintabi sa ngayon lang pagbisita. Alam mo na..

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ginoo. walang problema. dalaw when you can naman tayo dito e. :D

      Delete
  7. A birthday is a birthday, whether triumphant or quiet. =) Don't wish for time to move too quickly, you just might get your wish =)

    K

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige, I'll enjoy every moment muna.

      Thanks, K.

      Delete
  8. Belated Happy Birthday! :)

    I think it is not wise to compare yourself to others, kahit di maiiwasan, what's important is that you are happy with what you are or what you have. If you're not happy, then do whatever it takes for you to be happy. Kay tama, sige sa mantsa! :)

    Have a great 27th! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Zai! Pag dating sa happiness, kaw talaga idol ko :)

      Delete
  9. Beleted happy birthday. Bawi nalang ako pag uwi ko. Pagbday ko naiisip ko din kung ano ba ang mga bagay na nagawa ko na. di ko rin maiwasan na maikumpara ko sa iba ang sarili. I think its normal. Hehe

    Sige mantsa pa ;)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.