Sa madaling salita, paano iuwi si Mamon [noon]?
Bago ko simulan ang pagbalik-tanaw, sagutin ko muna yung tanong ninyo marahil na 'anong kalibugan na naman ito?' Pramis, di [lang] libog ito. Napadaan kasi ko sa SOGO sa North Edsa kanina kaya may bigla lang akong naalala. ("Napadaan," ibig sabihin ay dumaan yung bus na sinakyan ko,) Kaya ito ang ilang maiksing kwentong kaladkarin ni Mamon.
"Saan ka? Kape tayo. Sunduin kita."
- Kung saan ang "kape" ay nangahulugan ng libreng kape, libreng kwentuhan at libreng espadahan.
"Sa amin ka na muna tumuloy, uwi ka na lang kinabukasan. Walang masasakyan papunta sa inyo pauwi. Gabi na."
- Kung saan natulog ako sa bahay nila sa probinsya nang wala sa plano"
"Masakit kasi balakang ko ngayon, punta ka dito. Tignan mo nga kung ano problema."
- Nang nagamit ang aking propesyon para sa init ng katawan
"Pansin mo di kita pauuwiin. Mag-check-in tayo ah"
- Sakay ng kanyang magarang sasakyan, inikot namin ang lungsod at hinto sa biglang liko.
"Ok lang ba sa'yo, d'yan tayo sa Canley."
- Kapag sinabing Canley, #alamna
"Tambay tayo dito sa bahay, inom tayo konti"
- Sabi nga nila, pag may alak... may pulutan. chos!
"Dito ko sa hotel / condo / dorm, wala yung roommates ko. Dalawin mo ko."
- Maraming lugar, iisa ang hangarin. Pag wala ang pusa, magpapakabasa ang mga cute.
"Punta ka dito, movie marathon tayo. Dami kong na-download"
- Sa dilim ng kwarto at init ng gabi, ang kamay ay di mapakali at kung saan-saan gumagawi.
"Halika dito, tabi tayo"
- pantasyang naging totoo na sa huli'y naging bato.
Hayun na nga. Pokpok lang ng peg, ano.
Pero sa dulo ng aking pagbabalik-tanaw, isa lang naisip ko.
Marami mang nakatikim at natikman. Marami mang nakakama. Iisa lang ang bukod-tanging nakapukaw sa aking puso at nakapagpapatingkad ng mga kulay ng aking buhay.
Di lang katawan, kundi pati puso at isip ko ang nadala mo. Hindi lang kama, kundi pati na bahay, tahanan, at pangarap ang ipinadadama at ibinabahagi mo. Salamat!
Nasabi ko na ba sa'yo, Sai?
Na mahal kita.
May napuntahan akong inuman, walang pulutan. Pero merong "balak". *hahaha*
ReplyDeleteSino itong Sai? Yiiiii! :3
Saan yan? Hahaha kwento! :p
DeleteMakikilala mo rin. Hihi
Hoy yun pa rin ba number mo? Iba na number ko e.
Yes, yun pa rin. Natanggap ko yung text mo. Wala lang akong load, kasi wala naman akong lovelife ngayon. *hahahahaha*
DeleteHappy monthsary sa inyo! :3
ReplyDeleteSalamat! :3
DeleteMonthsary na agad? LOL
DeleteSino yan??? :D
kowwww pakilala mo siya sa amin haha
ReplyDeletealin kaya ang pwde kong gayahing linya? chos
Follow nio blog niya :p
DeleteAlin? Feeling ko may sakto sayo jan haha
Congrats, Mamon!
ReplyDeleteThanks Yas! Hang out again, yes? :)
DeleteAno yung Canley? *clueless*
ReplyDeleteCanley sa Pasig. Yung road ng motels ;)
DeleteOh... di kasi ako nakaka-abot ng Pasig.
Deletebiglang liko na agad within QC. :P
Ang ganda naman ng name ni Sai, yung mga soundslike ng name nyan magaganda din haha :) Love love love! :)
ReplyDelete