Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2013

Memories + The Recap

Memories, I believe, is neither good nor bad. It depends on how these still in time is interpreted in our mind or how it affects us in certain situations. Memories can sometimes lighten our day. Those sweet moments you spent together with your loved ones or even just a normal day would just take you back to those happy times and make you feel so much better. On the other hand, memories sometimes can hold you back from moving on. When a person leaves, he's not completely gone because you still have memories of him. And unless you'll acquire a selective amnesia, that person will still live in your mind. So, memories it's just a matter of having more with different people so you'll have a lot more to look back on and not just on one. ******* On my way back to the greater manila area, I looked back on the closing month and decided to start a regular month-ender series. They say that it's important to evaluate the day that passed so that it wouldn't be w...

Naalala ko lang

Naalala ko lang Noong tumatawid tayo ng kalsada. Kumakanta ako habang naglalakad Ayaw mo pala ng ganoon. Nainis ka. Natatawa lang ako kasi nakakatuwa ka. Naalala ko lang Noong nanonood ako ng Showtime Ang lakas ng tawa ko Dinig mo pala sa banyo Natawa ka lang sa akin. Mababaw naman talaga kaligayahan ko Naalala ko lang Noong nakasakay tayo ng bus Magkahawak tayo ng kamay Dama ko ang malambot mong palad Nasiyahan naman ako May lambing ka pala kahit papaano Naalala ko lang Noong magkatabi tayo sa kama Magyakap lang tayo pagkagising Gusto ko lang noon ng kayakap Gusto mo rin pala Pakipot ka pa, arteh mo. Naalala ko lang Yung pabangong naiwan sa leeg mo Inaarbor ko yun, ayaw mo naman Sarap lang amoy-amuyin. Naalala ko lang. Ang sarap lang balikan yung mga pangyayaring nakapagpaligaya sa atin, mga bagay na nakapagbigay ng ngiti sa atin, at mga taong nagpasaya sa atin habang tayo ay kanilang kapiling. Magpapasalamat ka na la...

Nakikiramdam

Mahilig akong makiramdam. Siguro dala na rin ng pagiging dominantly observer personality ko kaya ganoon. Mahilig ako makiramdam sa paligid at sa mga tao. Pinagmamasdan ang bawat kilos, bawat kumpas ng kampay, ngiti at tingin. Minsa'y napapangiti rin ako sa aking mga nakikita. Marami ka kasing matutuklasan sa isang tao kahit sa pakikiramdam lamang. Minsa'y mali ang mga inferences ko ngunit mas madalas namang tama. Empathy nga raw ang strongest trait ko. I'm best in understanding how others feel daw to the point of feeling what they are feeling. Saktong sakto nga sa propesyon ko sa larangan ng medisina. Pakiramdam. Feel. Touch. Ano nga ba meron dito. Aaminin kong mahilig ako sa skin contact. Akap. Akbay. Hold hands. Shake hands. Bro hug. Ganyan. Iba kasi 'yung pakiramdam. Parang ang intimate kasi. Sabi nga nila touch or the sensation of someone touching you releases Serotonin in your circulation. The neurotransmitter Serotonin is responsible in alleviating depress...

Bagong Taon

Sabi ko sa sarili ko dati, ngayong taon ay magbabago ang buhay ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang mangyayari. Malaking pagbabago nga sa buhay ko ang hinihingi ng pagkakataong ito. Ngayon palang ay dama ko na. Dahil sa nangyari, marahil ay lumipat muna ko sa Laguna para masamahan si mama habang siya ay nagdadalamhati. Marahil dito na rin ako maghanap ng trabaho para sa katuparan naman ng pangarap ko. Lilipat ako para rin masamahan ang pamangkin ko habang naghahanap pa ng kapalit na yaya ang aking kapatid. Di pa kami nakakapag-usap ng masinsinan ni Mama kung paano ang balak niya. Naiwanan ang sasakyang walang magmamaneho. Malaki ang posibilidad na ako ang aatasan maging tigahatid at sundo ni Mama sa opisina. Ngunit kailangan ko pa matutunan magmaneho lagpas ng second gear. Umpisa palang ng taon ay malaking dagok na sa buhay ng mga kapamilya ko ang nangyari. Hindi ko pa tuloy alam kung paano ko pagagalawin ang buhay ko ngayon gawa ng di kanaisnais na pangyayari. Ipinagdadasal...

Mahirap din pala

Akala ko kaya ko. Na madali lang harapin ang pangyayaring iyon na matatag at buo ang loob. Ngunit hindi rin pala ganoon kadali iyon. Hindi ko rin nagawang tatagan ang sarili ko. Akala ko kaya kong maging malakas para sa nanay ko, pero mahirap din pala lalo na kapag nakikita ko siyang umiiyak.  Di rin biro ang pinagdadaanan niya. Nawalan siya ng kasama sa buhay at kasama sa karera. Kaya malaking dagok ito sa kanyang buhay. Di ko ngayon alam kung ano ang dapat gawin. Ano nga ba ang masasabi mo sa isang taong nawalan ng kasama sa buhay? Ano nga ba ang masasabi mo sa isang taong nagdadalamhati? Ano nga ba? Napakahirap din pala.

Bagong Aral sa Bagong Taon

Happy New Year Friends! Kamusta naman ang pagsalubong sa bagong taon? I'm sure it's just pure joy. Nag-feeling bata na naman kasi ako sa  sayaw ng ilaw sa kalangitan. Anyway, I was just bored out of my mind today from all the encoding I've been doing and I wanted to just take a break. Just when I was trying to think of a place to go to and people to contact, my friend called and invited me out to drink. We went to Tides Pasig. Maganda rin pala mag-hang-out dun kasi parang  Central yung atmosphere pero di kasing crowded. We had the usual conversation about life and love. After a bucket each of beer we began to talk of philosophies... Here's some of what I've picked up from him: "Ang teknik ng mga bakla, pag gusto nila yung lalaki, mag-sasama siya na babae na gusto rin nung. Pag may nangyari na, makakatanggi pa ba yung lalaki. win-win na yun. Nakuha nung lalaki yung gusto niya, nakuha rin nung bakla yung gusto niya." - naku di na kelangan ng babae...