Skip to main content

Naalala ko lang

Naalala ko lang
Noong tumatawid tayo ng kalsada.
Kumakanta ako habang naglalakad
Ayaw mo pala ng ganoon.
Nainis ka.
Natatawa lang ako kasi nakakatuwa ka.

Naalala ko lang
Noong nanonood ako ng Showtime
Ang lakas ng tawa ko
Dinig mo pala sa banyo
Natawa ka lang sa akin.
Mababaw naman talaga kaligayahan ko

Naalala ko lang
Noong nakasakay tayo ng bus
Magkahawak tayo ng kamay
Dama ko ang malambot mong palad
Nasiyahan naman ako
May lambing ka pala kahit papaano

Naalala ko lang
Noong magkatabi tayo sa kama
Magyakap lang tayo pagkagising
Gusto ko lang noon ng kayakap
Gusto mo rin pala
Pakipot ka pa, arteh mo.

Naalala ko lang
Yung pabangong naiwan sa leeg mo
Inaarbor ko yun, ayaw mo naman
Sarap lang amoy-amuyin.
Naalala ko lang.


Ang sarap lang balikan yung mga pangyayaring nakapagpaligaya sa atin, mga bagay na nakapagbigay ng ngiti sa atin, at mga taong nagpasaya sa atin habang tayo ay kanilang kapiling. Magpapasalamat ka na lang na nakagawa kayo ng magagandang alaala together :)

Comments

  1. Ako ba yan? Charot!hahaha

    Sino yan ha? Hindi kana nagseshare!

    ReplyDelete
  2. Pakipot ka pa, arteh mo.... hahaha natawa ako..syempre kelangan din ng kunting landi..mas nagiging excited ang buhay pag ganyan

    ReplyDelete
  3. Tama ka. Masarap talagang balikan yung mga masasayang alaala. Naalala ko lang. lol Sino yan? Napapatula ka ah. :P

    ReplyDelete
  4. Mac: Wahaha di ko sasabihin kung sino sila :P

    June: huma-hard-to-get pa siya eh hahaha

    Archie: uy may naalala din hehe di ko rin sasabihin :)

    ReplyDelete
  5. :)

    this is nice, positive ang ending kahit natapos na ang pagkakataong gumawa ng mga bagong alaala. there's always the little, special memories you can always come back to :)

    ReplyDelete
  6. Bkit ksi hindi nagtagal pra anggang ngaun sweet sweetan Pa din!

    ReplyDelete
  7. @Zai: little memories to hold on to :)

    @Kulapitot: sometimes things are just meant to be experienced hehe :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.