Akala ko kaya ko. Na madali lang harapin ang pangyayaring iyon na matatag at buo ang loob. Ngunit hindi rin pala ganoon kadali iyon. Hindi ko rin nagawang tatagan ang sarili ko. Akala ko kaya kong maging malakas para sa nanay ko, pero mahirap din pala lalo na kapag nakikita ko siyang umiiyak.
Di rin biro ang pinagdadaanan niya. Nawalan siya ng kasama sa buhay at kasama sa karera. Kaya malaking dagok ito sa kanyang buhay.
Di ko ngayon alam kung ano ang dapat gawin. Ano nga ba ang masasabi mo sa isang taong nawalan ng kasama sa buhay? Ano nga ba ang masasabi mo sa isang taong nagdadalamhati? Ano nga ba?
Napakahirap din pala.
hindi na kailangan ng mga salita. isang mahigpit na yakap lang. malalaman niya na nariyan ka lang palagi
ReplyDeleteramdam ko ang emosyon dito... mahirap nga ang ganyan....
ReplyDeletemahirap talaga, minsan walang tamang sabihin. kaya paramdam mo lang na andyan ka lang lagi, in case kailangan nya ng kausap, ng embrace, ng kahit ano.
ReplyDeleteat para sayo, hugs Hustin! :)
mahirap nga, but remember na njan ka for your mom..
ReplyDeletetulad ng sinabi ko, i know that you know what to do.