Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2013

Thank You

"Thank you..." Parang iyon lang ang pinakaangkop na sabihin sa oras na iyon. Wala ng iba pang maaring ibahagi kung hindi ang pasasalamat. Sa kanilang pagsasama ay pawang kasiyahan lang ang nadama. "Thank you..." Sabay nilang nabanggit ang mga salitang iyon. Isang maiksing katahimikan bago mabulalas. Nagkatinginan, nagkangitian. Tugma ang damdamin, "Thank you..." Hindi man alam saan patutungo, o saan man makakarating. Hindi man sigurado sa mga ginagawa at nararamdaman. Ang pinakamahalaga marahil ay manatili ang pagsasamahan. "Thank you..."

Gin Pom at kung ano-ano pang ka-highschool-an

Ewan ko. Sa aming magkakaibigan parang ako lang ata ang mas nag-enjoy sa highschool kesa sa college. Siguro dahil marami akong nagawa noong highschool, mas naging totoo ako noong highschool, mas active at mas sikat ako noong highschool, at higit sa lahat, sa highschool ko nakilala ang ilan sa pinakamalalapit at pinakapinapahalagahan kong kaibigan. Kaya eto ang ilan sa mga namiss ko noong highschool. GINPOM Hindi ako sigurado kung dahil uso yun noon or kung dahil yun lang ang alam namin inumin, pero sa  dalas naming nag-iinuman sa bahay ng tropa namin, di mawawala ang gin + any powedered drink. MINDORO SLING pic from tanduay Maliban sa Gin+fruit drink ay nahumalingan din namin ang Mindoro sling. Di na namin kelangan pang dumayo ng mindoro para matikman ito. Dito lang malapit sa amin ay mayroon kaming naging tambayan kung saan naging paborito namin ito, kapares ng kropek o sizzling hotdogs.  TAMBAY, YOSI, KAPE Bago pa man mauso ang ban ng yosihan sa mall...

Taking the Risk

"Given the chance to go back in time, would you try to change what you did or still do the same and take the risk?" "Siguro, I'll still do the same. Naging masaya naman... Yeah, I'll do the same." May gusto pa akong itanong sa kanya noong tanghaling iyon. Gusto kong itanong kung ang kasayahan na naranasan niya noon ay higit pa sa nararanasan niyang kalungkutan ngayon. Ngunit pinigilan ko na ang sarili ko. Ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata ang tila sumagot sa katanungan ko. Dama ko ang katotohanan sa kanyang mga salita. Ngunit dama ko rin ang kulungkutang di na niya kailangan sabihin. Nang araw na iyun ay naging taenga at balikat ako sa isang taong nagmahal at nasaktan. Isang taong sinuko ang lahat para sa kanyang mahal. Nang walang kasiguraduhan. Ngunit nang wala ring alinlangan. Bagamat ganoon man ang nangyari ay naging matatag pa rin siya sa pagharap sa buhay. Nagdurugo man ang puso at nalulungkot sa bawat gabing lumipas, pinipilit pa r...

Cuddle [3]

ang nakaraan... [Cuddle] [Cuddle 2] sa pagpapatuloy.... Iba yung pagnanais kong ilapat ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Nanginginig at nakakapanabik. Pero umatras ako. Nahiya. Ayaw kong lumabis sa naaayon sa aming pagkakaibigan. Kaya yumuko na lang ako at isiniksik ang mukha sa kanyang katawan. Bitin , isip ko. Wala ng ibang pagkakataon pagkatapos nito. Kung di ngayon, baka pagsisihan kong pinalagpas ko ang pagkakataon. What's the worse thing that can happen? Baka iiwas lang niya ang mukha niya. Ayos lang, at least malinaw. O di kaya magkunyari siya bukas na di niya maalala. Pede naman din akong magpatay-malisya. Bahala na! Nang nakapagpasya na ko, dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Tinignan siyang mabuti. Marahan kong nilapit ang aking mukha sa kanya. Dama ko ang panginginig ng labi ko sa kaba. At sa wakas naglapat na aming mga labi. Ilang segundo rin yun nga awkwardness. Parang first time lang. Nakatikom ang aming mga bibig ngunit magkadikit. Binawi ko...

Cuddle [2]

ang nakaraan .... sa pagpapatuloy ng kuwento... Hayun na nga tumabi na ko sa kanya. Sa ilalim ng iisang kumot, kami ay nagsiping. Hanggang maari ayoko haluan ng malisya kung ano man ang ginagawa namin o gagawin. Ayaw ko pa naman yung The Mistress o My Husband's Lover ang peg. Masyado akong affected sa mga ganyang istorya ng sulutan, ahasan, at salisihan kaya ayaw ko gawin sa iba yun. Pero sa isang banda, sabi ko nga, matagal na ko akong may gusto sa kanya. Humiga ako sa tabi niya nang hindi alam ang gagawin. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit tulad ng yakap niya sa akin kanina. Pero ayaw ko nga mauna, di ba. Kung siya ang magsisimula ay sigurado namang di ko siya pipigilan at di ako tatanggi noh. Nahiga ako sa tabi nang nakahilata. Umikot siya paharap sa akin at ako'y niyakap ng mahigpit. May panggigigil tulad ng kanina. Malamang sobrang tuwa ko. Sa tuwa ko, di ko mapigilan tigasan. Di ko na inintindi yung tigas. Basta masarap yung may nakayakap. Sa yakap niya, d...

Cuddle

Nakatayo siya sa labas ng building, nagyo-yosi. Ang tagal na noong huli naming pagkikita. Lumapit ako sa kanyang abot tenga ang ngiti. Na-miss ko talaga siya. Napakabait kasi niyang kaibigan sa akin. Pumasok kami ng building at sumakay ng elevator papunta sa room niya. Dalawa ang kama sa silid kaya natanong ko kung nasaan ang kanyang kasama. Umuwi muna sila sa kanila, sabi niya. Nag-alok ng pagkain na di naman binigay. Nahiga sa magkibilang kama. Nanood ng TV. Nagkwentuhan. Naging masaya ang takbo ng gabi. Naging masaya iyon dahil napakagaan niyang kakwentuhan at katsimisan. Tawanan lang kami ng tawanan na may kasamang kantyawan at asaran. Nabanggit niyang masakit raw ang kanyang likod gawa na rin ng maling pag-upo tuwing nag-aaral siya at nagko-computer. Bilang ako naman noon ay may kaunti ng alam sa katawan ng tao, binagbigay yan ko ang pabor niyang masahihin ko siya. Kaba at tuwa ang naramdaman ko nang mahawakan ko na ang likod niya. Sa isang banda, natutuwa ako dahil ma...