Cuddle [2]

,
ang nakaraan....



sa pagpapatuloy ng kuwento...

Hayun na nga tumabi na ko sa kanya. Sa ilalim ng iisang kumot, kami ay nagsiping. Hanggang maari ayoko haluan ng malisya kung ano man ang ginagawa namin o gagawin. Ayaw ko pa naman yung The Mistress o My Husband's Lover ang peg. Masyado akong affected sa mga ganyang istorya ng sulutan, ahasan, at salisihan kaya ayaw ko gawin sa iba yun. Pero sa isang banda, sabi ko nga, matagal na ko akong may gusto sa kanya.

Humiga ako sa tabi niya nang hindi alam ang gagawin. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit tulad ng yakap niya sa akin kanina. Pero ayaw ko nga mauna, di ba. Kung siya ang magsisimula ay sigurado namang di ko siya pipigilan at di ako tatanggi noh.

Nahiga ako sa tabi nang nakahilata. Umikot siya paharap sa akin at ako'y niyakap ng mahigpit. May panggigigil tulad ng kanina. Malamang sobrang tuwa ko. Sa tuwa ko, di ko mapigilan tigasan. Di ko na inintindi yung tigas. Basta masarap yung may nakayakap.

Sa yakap niya, di ko na rin mapigilan ang sarili ko. Kahit na alam kong madali at mabilis ako mawili sa body-contact ay pinagpatuloy ko na. Niyakap ko na rin siya. Di ko lang maipaliwanag yung pakiramdam ko noon nang mahigpit ko na siyang nabalot sa aking braso.

Di pa rin ako makapaniwala noon. Eto na talaga, sigaw ko sa isip ko. Enjoy the moment lang, wag kang lalabis. Matagal rin ang sagutan namin ng yakap. Mahigpit. Matagal. Malapit sa isa't isa. Mag-aayos lang kami ng puwesto pag nangangawit na yung isa sa amin.

Sa kaunting liwanag na nanggagaling sa labas, sinubukan kong tignan ang mukha niya. Masaya kaya siya sa nangyayari. Napipilitan. O wala lang. Tinitigan ko siya. Naaninagan kong siya rin ay nakatingin. Napangiti lang ako. May sparks. Chos. Bakit, aniya. Wala lang, sabi ko. Sabay pikit, ngiti at sandal sa dibdib niya.

Nahaluan din ng lokohan yung yakapan-portion namin. Bastos mo talaga, sabi niya habang nakahawak sa tigas kong tarugo. Tarugo?! Xerex?! hahaha Tawa lang talaga ako. Eh kaw rin naman oh, sabay hawak at pisil na matigas niya ring.. uhm.. tarugo. hahaha Minsan niyakap ko siyang parang hotdog pillow na nakapatong yung hita ko sa kanya. Sabay kiskis ko naman sa etits niya gamit ang hita ko. Tawa lang siya sa ginawa ko sa kanya.

Naging mapanghas na ko ng kinatagalan. Sinira ko na rin ang batas kong wag mauuna. Hinalikan ko siya. Well, more like Kisngot (kiss + singhot). yung halik na ginagawa sa ating ng mga lola natin. Ganun. Kisngot sa balikat, dibdib, leeg at likod ng tenga. Nahiya ako ituloy sa pisngi. Baka kasi off-limits. For boyfriend's use and pleasure only.

Tinigil ko na ang pag-kisngot ko sa kanya kasi baka madala akong ng pagkakataon. Naiyakap ko na lang siya ng mahigpit at sinubukang matulog.

Papunta na ko sa dreamworld noon ng makaramdam ako ng labi sa aking pisngi. Humalik siya sa akin. Yes! Ano yun, tanong ko sa kanya with slight pigil ng kilig. Good night kiss, sagot niya. Ahh, sabay ngiti ko naman. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa kanya at pumikit nang nakangiti pa rin. Ilang sandali pa'y binuksan ko ulit aking mga mata at gumanti rin ng halik sa kanya sa pisngi. Ano yun, tanong naman niya. Good night kiss, pangising sagot ko sa kanya. Kita kong nakangiti rin siya kaya nagtatatalon na ko sa isip ko sa tuwa.

Nakaidlip kami sandali nang magkayakap. Nag-ayos ng braso at katawan. Tumayo muna ako sandali para umihi. Pagbalik ko sa kama ay matiwasay siyang natutulog. Pumaloob ako sa kumot at niyakap ko siya mula sa kanyang likod. Siya naman ay humarap ulit sa akin upang muling yumakap.

Sa kanyang pagyakap, nagkatapat ang aming mukha. Op kors, nagkatitigan kami. Ang lakas ng tension. Ewan ko lang kung ako lang nakaramdam noon oras na yun. May gusto akong gawin. Gusto ko siya halikan sa lips. Pinipigalan ko lang. Uy, may gusto siyang gawin, biro niya. Ngiti lang ang sagot ko sa kanya. May gusto siyang gawin oh, ulit pa niya. Eeeeeeeeeee kasi eh, tanging nasagot ko.

Pano nga ba to , gusto ko siyang halikan.


ipagpapatuloy... [Cuddle 3]

4 comments: