Ewan ko. Sa aming magkakaibigan parang ako lang ata ang mas nag-enjoy sa highschool kesa sa college. Siguro dahil marami akong nagawa noong highschool, mas naging totoo ako noong highschool, mas active at mas sikat ako noong highschool, at higit sa lahat, sa highschool ko nakilala ang ilan sa pinakamalalapit at pinakapinapahalagahan kong kaibigan. Kaya eto ang ilan sa mga namiss ko noong highschool.
GINPOM |
Hindi ako sigurado kung dahil uso yun noon or kung dahil yun lang ang alam namin inumin, pero sa dalas naming nag-iinuman sa bahay ng tropa namin, di mawawala ang gin + any powedered drink.
MINDORO SLING pic from tanduay |
Maliban sa Gin+fruit drink ay nahumalingan din namin ang Mindoro sling. Di na namin kelangan pang dumayo ng mindoro para matikman ito. Dito lang malapit sa amin ay mayroon kaming naging tambayan kung saan naging paborito namin ito, kapares ng kropek o sizzling hotdogs.
TAMBAY, YOSI, KAPE |
Nagsimula na rin ang boom ng coffee shops noon. Kaya madalas, right after school, automatic yun na pag walang gagawin ay tambay kami sa Seattle's Best Coffee. As usual yosi and kwentuhan. Sa dalas namin doon, lalo na yung isa naming katropa (halos araw-araw andoon siya), ay naging kaibigan na rin namin ang mga barista. Minsan umaabot na rin kami hanggang closing.
SLEEPOVERS |
KARAOKE |
Marami pa kong dahilan kung bakit mas nagustuhan ko ang highschool life kesa sa college. Pero eto na ang pinaka-pinaka. hehe
#memapost
Highschool syudad version yan! :) Haha. Laking probinsiya kasi ako ser. Bigla tuloy ako ngayon napaisip ng highschool days ko. Haha. Panahon ng pagbibinata at tagihawat :)
ReplyDeletelaking syudad kasi ko ser eh hehe yang tagyawat naman ang ayaw ko nung highschool. stress ka na nga sa school, stress ka pa sa pimples, lalong nakakastress haha
Delete