Nakatayo siya sa labas ng building, nagyo-yosi. Ang tagal na noong huli naming pagkikita. Lumapit ako sa kanyang abot tenga ang ngiti. Na-miss ko talaga siya. Napakabait kasi niyang kaibigan sa akin.
Pumasok kami ng building at sumakay ng elevator papunta sa room niya. Dalawa ang kama sa silid kaya natanong ko kung nasaan ang kanyang kasama. Umuwi muna sila sa kanila, sabi niya.
Nag-alok ng pagkain na di naman binigay. Nahiga sa magkibilang kama. Nanood ng TV. Nagkwentuhan. Naging masaya ang takbo ng gabi. Naging masaya iyon dahil napakagaan niyang kakwentuhan at katsimisan. Tawanan lang kami ng tawanan na may kasamang kantyawan at asaran.
Nabanggit niyang masakit raw ang kanyang likod gawa na rin ng maling pag-upo tuwing nag-aaral siya at nagko-computer. Bilang ako naman noon ay may kaunti ng alam sa katawan ng tao, binagbigay yan ko ang pabor niyang masahihin ko siya.
Kaba at tuwa ang naramdaman ko nang mahawakan ko na ang likod niya. Sa isang banda, natutuwa ako dahil matagal ko ng gusto ang kaibigan kong ito. Pinipigilan ko lang dahil attached na siya. Sa kabilang banda, kinakabahan ako dahil baka may magawa akong susobra sa dapat na gawin bilang isang kaibigan.
Habang nanonood kami ng movie sa laptop niya, tuloy pa rin kami daldal at ako naman sa paghagot sa kanyang likod. Nakadapa siya at ako naman ay nakaupo sa may gilid niya. Mula batok, balikat, likod, puwet, hita at binti, hinimas at pinisil ko na. Sabi ko nga pigil ako dahil baka may magawa akong makasira ng aming pagkakaibigan.
Napagod na ang aking kamay kaya pinahinga ko na ito. Pinahinga ko ang aking mga kamay at braso sa likod niya. Wala naman siya reklamo kaya hinyaan ko lang yun doon.
Sa pagkakadapa, tumagilid naman siya para mas makapanood. Di naman sinasadya, siguro dala na rin ng pagod, napasandal na ko sa katawan niya. Parang ginawa kong unan yung trunk niya. Hirap naman manood kasi mabigat, biro niya. Natawa na lang ako at napaupo ako bigla ng maayos. Masyado lang siguro ko nag-enjoy nakadikit sa katawan niya.
Pano ka hihiga, tanong ko. E di jan, sabi niya sabay turo kung saan ako nakaupo. Hinatak ko ang unan niya papunta sa hita ko. Ang sweet lang ng dating, yung ulo niya nakahiga sa hita ko. Sa oras na iyon ay nagkakamalisya na ako. Pano ba naman hindi ko pag-iisipan ng mahalay yun, e ang sweet kaya ng ganung posisyon. Aminin nyo. Tas sabay patong ko pa yung braso ko sa dibdib niya, hagod sa katawan niya tapos hawak sa konting stubbles sa mukha niya. Halata ng may malisya. Kaya bago pa man madala ako ng moment na iyon ay nagpasya na akong maligo nang makapagpalamig naman dahil nag-iinit na ko noon.
Pagbalik ko sa kwarto ay nagpasya na akong sa kabilang kama maupo. Nilabas ko ang aking mga notes at nagbasa-basa muna habang siya naman ang naligo. Meron na siya. Di ko dapat siya nilalandi. Ayaw ko maging homewrecker. Ayaw ko maging kabit. At lalo ng ayaw ko mawalan ng malapit na kaibigan, bulong ko sa aking isip.
Pumwesto ulit siya sa kabilang kama at patuloy kami sa pag-chika. Kamay ko naman masahihin mo, pakiusap niya. Parang alam ko na kung saan papunta to. I shouldn't make the first move, kumbinsi ko sa sarili. Mahirap nga naman kasi yung mauna ako 'pagkat ako ang dehado kung nagkataon. Dapat cool lang. Go with the flow. Marupok din naman ako at bibigay din kung sakali. Ang mahalag di ako ang manguna.
Mahirap pumwesto sa kama ng maayos nang hindi nahaharangan ang panonood niya ng TV. Sa huli, nauwi na naman sa paghiga niya sa may hita ko ang puwesto namin. Sa puntong ito, di ko na mapigilang tigasan. Nakaboxers lang ako noon at basketball jersey kaya malayang nakakagalaw si junjun. Buti na lang at may unan na nakapatong upang di niya maramdaman ang paninigas ko.
Natapos na ang palabas na pinapanood namin. Dahil sa pangangawit sa pagkakaupo, tinabihan ko na siya sa kama upang makahiga na rin. Yumakap siya sa akin na animo'y nanggigigil. Di ko naman masyadong inisipan ng masama iyon. Baka kako nasanay lang ng kayakap. At dahil madaling araw na ng mga oras na iyon, napagpasyahan na naming matulog. Tumayo ako sa kama upang patayin ang mga ilaw sa kwarto at sa kubeta.
Nang madilim na ang paligid, tumingin ako sa kama kung saan siya nakahiga. Tatabi ba ako o hindi, pagtatalo sa isip ko. Worst thing that could happened, mag-cuddle lang naman kame. Wala namang masama dun, patuloy kong pag-rationalize sa utak ko.
Naglakad ako patungo sa kanya. Inangat ang kumot na nakabalot at sabay tumabi sa kama sa kanya.
ipagpapatuloy... [Cuddle 2]
Xerex! Haha!
ReplyDeleteJust a question, nabasa nya ba ito? Curious lang hehe.
haha! di niya mababasa to :p
DeleteMaganda yang tanong ni Glentot ha! haha At ang nice nung pace ng pag-kwento. Sapul yung pagbibitin sa dulo.
ReplyDeletenope, di nya mababasa.. or pede ko naman isend sa kanya yung link hahaha salamat!!
Delete