"Given the chance to go back in time, would you try to change what you did or still do the same and take the risk?"
"Siguro, I'll still do the same. Naging masaya naman... Yeah, I'll do the same."
May gusto pa akong itanong sa kanya noong tanghaling iyon. Gusto kong itanong kung ang kasayahan na naranasan niya noon ay higit pa sa nararanasan niyang kalungkutan ngayon.
Ngunit pinigilan ko na ang sarili ko. Ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata ang tila sumagot sa katanungan ko. Dama ko ang katotohanan sa kanyang mga salita. Ngunit dama ko rin ang kulungkutang di na niya kailangan sabihin.
Nang araw na iyun ay naging taenga at balikat ako sa isang taong nagmahal at nasaktan. Isang taong sinuko ang lahat para sa kanyang mahal. Nang walang kasiguraduhan. Ngunit nang wala ring alinlangan.
Bagamat ganoon man ang nangyari ay naging matatag pa rin siya sa pagharap sa buhay. Nagdurugo man ang puso at nalulungkot sa bawat gabing lumipas, pinipilit pa rin niyang maging masaya dala narin ng alaala ng bawat sandaling sila ay nagkasama. Kahit na ito ay sa maiksing panahon lamang.

Ako ba yan? Charot. Haha
ReplyDeletethings happen for a reason... for whatever we have or have not done there's always a reason behind that...
ReplyDeleteYou had me here: Gusto kong itanong kung ang kasayahan na naranasan niya noon ay higit pa sa nararanasan niyang kalungkutan ngayon.
ReplyDeleteChar! Hahaha
ReplyDelete.. because we're humans. we all go through that.
ReplyDelete