Skip to main content

Biyahe

Ano'ng feeling? pabulong na tanong ko sa kanya habang binabaybay namin ang kalsada sa campus.

Masakit. ang mabilis niyang sagot waring alam na niya ang ibig kong sabihin. Mas mabuti pa yung ma-break-an kaysa yung mamatayan.

Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi, nagtitiwala sa kanyang salita, sabay tingin sa tinatahak ng aming sasakyan. Hindi ko alam kung ano sunod na sasabihin. Hindi ko kayang magkunyaring alam ang kanyang nararamdaman dahil di pa naman ako namamatayan ng minamahal. At sa puntong iyon, hindi pa rin ako sigurado kung ano sila noong pumanaw.

Noong mamatay ang lola ko, na ka-close ko, mga ilang linggo pa lang, ok na ako. Iba kasi ito, biglaan. Hindi namin inaasahan, ang pagpatuloy niya. Siya kasi, 10 years kaming magkasama. Simula college pa lang ako. Araw-araw ko siyang nakikita. Lagi kaming magkasama sa bahay. Mahirap mag-move on sa ganoon.

Akala ko mag-isa ka na lang sa bahay.

Hindi, magkasama pa rin kami. Siyempre, press release ko na lang yun. Pero ngayon wala na kong itatago. Wala ng mawawala sa akin kung malaman ng iba.

Sa puntong iyon, nasigurado ko na. Sila nga ay mag-partner.

Bumaba siya ng sasakyan sandali upang ihatid ang ilang gamit ng kanyang namayapang partner sa kaniyang opisina. Naiwan ako sa kotse upang magbantay.

Ang daming tumatakbo sa isip ko noong mga sandaling iyon. Katulad ko rin pala siya. Ngunit hindi sumagi sa isip kong pareho pala kami. Wala siya typical profile ng discreet gay guy na nakilala ko. 

Sampung taon sila nagsama. Sa mga nakilala kong mag-partners, never pa ko nakakilala na umabot ng ganoon katagal. 10 years of living together. 10 years of love. Ang tagal noon. Kung umabot sila ng ganoon katagal, it must be for forever. Sila na talaga para sa isa't isa.

Only death separated them. Para talagang mag-asawa na. For sickness and in health. Til death do they part. Sa kalusugan. Sa sakit, nang maospital ang partner niya. Hanggang sa kamatayan, sila pa rin.

Sa pagkakataong iyon, di ko namalayang namumuo na ang luha sa mga mata ko. Sumpa talaga ang pagiging emphatic. Tila naramdaman ko ang sakit at lungkot na bumabalot sa kanya at sa sasakyang iyong sila ang madalas magkasama.

Naalala ko ang post niya sa facebook sa pagluluksa. Mayroon pa silang planong magsama at manirahan sa ibang bansa at doon na mamuhay ng malaya at masaya. Nakaramdam tuloy ako ng hinayang.

Ang huling thought na pumasok sa isip ko noon ay posible pala iyon. Ang maging masaya at kuntento sa isang tao ng ganoong katagal. Kung yung iba ay nabo-bore na after 5 or 6 years, sila umabot pa ng 10 years at malamang tatagal pa kung hindi lang namaalam ng maaga yung isa.

Pareho silang guwapo ng partner niya. Parehong matipuno. Malamang marami rin silang nakakasalamuhang mas maganda ang katawan, mas gwapo, mas mabait, at mas pa sa iba't ibang bagay. Pero sa kabila ng lahat, pati mga problema sa pamilya, nagtagal pa rin sila. They endured it all. Their love endured.

Napabulong na lang ako sa universe na sana'y makatagpo rin ako ng ganoon, ng wagas na pag-ibig.

Naputol ang pagmumuni ko nang kumatok siya sa salamin upang i-unlock ang pinto ng sasakyan. Nagpatuloy ang aming byahe palabas na ng campus.

Comments

  1. 10 long years! Majority ng homosexual relationships ay hindi umaabot ng 1 year. Wow. What happened was really tragic. :'(

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

A Walk to Equanimity Spa

I was just feeling really tired that day. There was all sort of stress that came my way that week - coming from deadlines from school and from the chaos in the family. All I want was just to have a relaxing massage since it has been a week since my last one. It was just fitting to reward myself with a good old rub down to ease tension from my body and my mind. So that night, I decided that I would get a massage no matter what. The bus I rode from school dropped me off at Kamuning Road. I decided not to go to my suking massage place because the new attendants there were young and very much inexperienced, as far as massage technique is concerned. That night I wanted quality massage really worth paying money for. In Kamuning, I remember passing-by a number of spa before. So I walked the street from EDSA to scout the area and look for a good massage place. The first spa that I passed-by had a black brand (which name I could not remember). It seemed nice but the feeling I had made me w...