Matanda na tayo para gawin pang komplikado ang mga bagay-bagay.
Natuwa naman ako sa papanaw ng kausap ko. Tama nga naman. Bakit nga ba kailangan pang gawing kumplikado ang buhay. Pwede naman i-brush-off yung mga bagay na di umayon sa plano mo. Kebs na lang 'di ba. Take things as it is.
We dated before, had an awesome time together. Kaso hindi naging kami. Sabihin na lang nating hindi tugma yung oras at panahon. Pero nakakapag-usap pa rin kami ng maayos ngayon. Naglolokohan at nagbibiruan. Napag-uusapan namin ang nangyari noon nang walang halong kapaitan. Nakakatuwa lang.
Inisip ko tuloy yung mga nangyari sa akin noon, sa mga bago kong nakilala. Siguro kung ganyan din ang pananaw ko noon marahil nakakausap ko pa rin sila hanggang ngayon. Kung sana'y hindi ko inuna ang aking emosyon, marahil ay buong puso ko pa rin silang maituturing na kaibigan.
Ngunit nanaig ang damdamin. woah. Bridges were burned. Relationships lost. Kung noon sana ay naging simple lang ang tingin ko sa buhay, maayos sana.
Pero kung gagamitin ko ang pananaw na yan ngayon, hindi ko dapat nang isipin ang nakalipas. No regrets, ika nga. Panahon ng tumingin sa hinaharap at magpatuloy.
Masyadong maiksi ang buhay para pahirapan at kumplikahin ito.
Tsaka buwan ko 'to e. Dapat lang magsaya dahil panibagong taon na naman sa buhay ko ang lumipas.
Time to level up again.. :)
my birthday is in August too :)
ReplyDelete*fistbump* August babies!
DeleteAugust babies are great lovers :)
DeleteIKR! hehe
DeleteLet us just keep moving forward :) Great read again ha:)
ReplyDeleteThanks Simon! Musta na kayo ni Cheng? :)
Deleteit struck me while reading your post.. I think I need to reflect my past experiences.
ReplyDeletethanks for appreciating :)
DeleteDestroyed bridges are difficult to rebuild. Maybe it would be best to just appreciate those bridges that you can still cross. And then discover new ones while you continue your journey from where you are now.
ReplyDeleteAng lalim lang no? *hehe* Kelan ka uuwi? :)
naks naman. tama ka diyan Sep :D
DeleteSoon ;)
Minsan kasi mas madrama pag komplikado kaya ang hilig natin sa komplikasyon (pwera na lang kung sakit pinga uusapan - kumplikasyon sa tb, etc haha)
ReplyDeleteKaya tama, mas okay nga naman kung diretchuhan na lang at wala ng liguyligoy pa. At hindi pa huli ang lahat, minsan kahit masira man ang tulay, pwede pa ding mabuo o gumawa ng bago :)
Kita kits pag uwi mo! May utang kang treat dahil August baby ka pala :)