Nasanay akong gigising sa umaga na ang text message mo sa phone ko ang unang kong makikita. "Good morning. Kain ka na ng breakfast." "Papasok na ko. Have a great day." Mas una ka kasing pumapasok at ako nama'y tamad gumising ng maaga kaya ako yung madalas makatanggap ng unang pagbati. Nakaka-miss din pala yung ganun. Alam kong hindi na tayo, pero cellphone ko pa rin ang una kong tinitignan sa umaga. Umaasang nag-iwan ka ng text. Kaya salamat sa pag-iiwan ng "good morning dude" paminsan-minsan. Salamat Nogs. :) Ang 'yong kaibigan, Chubs
Closet chronicles of an average confused, curious, and confirmed gay guy.