Skip to main content

When it's over

Sabi nila, kapag gumawa ka daw ng isang bagay, alam mo na dapat kung paano ito tatapusin.

Noong mga nakaraang araw napaisip ako.. paano nga ba magwawakas ang blog na ito?

Choices:

  • Di ko na lang kaya gawan ng posts...hayan ko na lang amagin ang blog ito...
  • delete ko na lang lahat ng mga sinulat ko..
  • Patayin ko na lang [kunyari] si Mamon...pero nagawa na yan e
  • Gumawa na lang kaya ako ng tell-all entry tungkol sa mga nangyari at sa mga taong 'nayari' ko dahil sa blog [at twitter] na ito... no-holds-barred, name-dropping, with details pa... *smirk*
Marami na rin akong naisulat dito. Karamihan ay mahahalay yung iba madrama at yung iba naman ay wala lang. Ito ay ilan lamang sa mga bumubuo ng bahagi ng buhay ko na tago sa ibang tao na kilala ko.

Bakit ko nga ba naisip na isarado na ang blog na ito. Marahil dala na rin ng mga nangyari sa buhay ko sa mga nakaraang araw na masasabi kong overwhelming. Andyan ang buhay pamilya, karera, at pag-aaral na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Not to mention the emotional stress these aspects of my life bring.

Pakiramdam ko kasi nahati ang buhay ko bilang Mamon at ang totoo kong sarili. I guess I thought that it's just about time to reconcile my persona and just live one whole life from now on.

Noon kasi kinailangan ko ng lugar kung saan mailalabas lahat ng suliranin ko patungkol sa buhay 'tago.' Palagay ko kasi nakulangan ako noong panahon na iyon ng support system. Laking pasasalamat ko naman sa blogging - pati na rin sa twitter - na nakakilala ako ng mga taong pupuno sa kakulangan na iyo.

Naisip ko rin na naibahagi ko na naman ang mga nais kong ibahagi para sa mga bagong henerasyon ng tulad ko. Na tila naging bukas na libro ang buhay ko para sa lahat ng nais magbasa. Kaya sa palagay ko ay oras na upang isarado muli ang libro at gumawa ng panibagong kabanata sa buhay ko.

Kaya ngayon, nagpapasalamat ako sa mga taong sumubaybay at nagtiyagang basahin itong bahagi ng buhay ko. Nagpapasalamat rin ako sa mga taong tumawid ang pagkakakilalan sa akin mula sa virtual papunta sa reality. Nagpapasalamat ako sa mga bloggers na naging inspirasyon ko na rin dahil sa kanilang magagandang kwento at sulat.

Hindi ko naman masasabing tuluyan nang magsasarado ang bakery ni Mamon. Siguro'y magpapahinga muna ko.

Kaya sa ngayon, ako'y pansamantalang magpapaalam. Sa muling pagkikita.



Comments

  1. Tama yan pahinga lang... ganyan din ang nangyari sa akin pero bumalik agad ako... sabi nga nila once a blogger is always a blogger..

    ReplyDelete
  2. see you again...

    -minion

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...

Limp

I'm feeling a little limp tonight - maybe it's the vagueness of my future or the dilemmas I am facing or the lack of financial stability I am experiencing - but all I can do is just speculate. I thought I have gone through this already, the quarter life crisis as they say - emotional lability, constant questioning of worth, and unexplainable emo-shit. I'm tired of this, tired to wake up each morning and feel unsure of everything. Ugh. I just want to shake this off. Anyway, speaking of shaking things, here's one topic I wanted to write about for so long. I first heard it from some friends [ang mag-react, guilty! hahaha] and it got me curious, though I have to say, I really don't need this. *ehem* What is it? It's penis enlargement. Yes, my dear friends, you read it right. PENIS ENLARGEMENT . The natural kind. They call it Jelq . They say Jelqing was derived from an Arabic word meaning 'milking', which is the main motion of this technique....