Skip to main content

Nang makausap ang nakaraan sa kasalukuyan

Psst Psssssst 

Narinig ko yun habang naglalakad papunta sa sakayan

Pssssssst Pssst

Di ako titingin, sabi ko sa sarili ko. Kung ako tinatawag niya, pangalan ko ang dapat niyang isigaw. Kung ako man yung tinatawag niya, di ako aso para lumingon sa sitsit.

Ngunit di ako nakatiis. Curious bang malaman kung sino yung mokong na yun.. Nang nakalayo na ako at malapit na sa sakayan, lumingon ako. Nagulat ako sa nakita ko. Kahit sa malayo, alam na alam kong siya iyon. Si Ex, na palokong kunyari'y tinatakpan ang mukha. Ang tangi ko na lang nagawa ay ngumiti at lumapit kung saan siya paparoon.

Naramdaman ko ang pananabik nang makita siya kanina. Di ko ma-explain e. Para siyang isang kaibigang matagal ko ng hindi nakausap. 

Tumayo siya sa kinaroroonan at naglakad patungo sa akin. Nagtagpo kami sa gitna. Nagkamustahan. Nagulat at natuwa ako dahil naaalala pa rin niya ang mga detalye ng buhay ko - trabaho, sa school, sa pamilya, at sa mga nangyari sa buhay ko noong kami pa. Natuwa ako sa usapan namin.

Maaga pa noon para sa aking pasok kaya't inaya ko muna siyang maupo kami habang nag-uusap. Kinamusta ko rin siya - ang pamilya niya, trabaho niya, at ang partner niya. 

Napaka-candid lang.

Ang pinakanagustuhan ko noong pag-uusap namin ay noong binanggit niya na nagbago na daw siya matapos ng ginawa niya sa akin. Kahit daw maraming gwapo sa pinagta-trabahuhan niya ay behave lang daw siya. Nasabi ko na lang na, "Buti naman at nagtanda ka na tsaka nagbago," sabay tawa. Natawa naman kami pareho. Napag-usapan din naman ang common ex namin (err ex niya, fling ko lang pala) pati na yung bestfriend niya. Para lang kaming magtropa na nagkakantsawan sa mga naging jowa

Tumagal pa ang usapan namin ng isang oras kaya na-late na rin ako sa trabaho. Pero ikinatuwa ko naman ang aming pagkikita. Ramdam kong walang hang-ups, walang bad blood. Halatang pareho na kaming naka-move on.

Di ko alamg kung gusto ko pa siyang kitaan like the old times bago maging kami na nag-iinuman or dapat ko na lang hayaan sa ganoon na alam ok ang ending. Pero kinuha ko pa rin ang number niya, just in case. 


Yun ang isa sa tingin kong nagagawa ko ng maayos e, ang maka-move on agad, di lang sa ended relationships, pati na sa mga bagay na nangyari na di naman kaaya-aya. Kapag nagawa ko na ang part ko sa bagay na yun, meaning nag-apologize na ko, nag-reach out na ko, tried to make things work out, umiyak, nag-rant sa friend, o maglabas ng sama ng loob sa blog or diary, ay hinahayaan ko na lang yung issue na mamatay at matapos. Di ko na hinahayaan mag-linger yung mga ganung vibes. No use in crying over spilled milk, ika nga. Only time will tell, sabi rin. Time heals all wound, dagdag pa ng iba. Time heals nothing coz it's not a doctor, pambasag lang ng ilan. So, hinahayaan ko na lang. Marami pa namang bagay at tao sa mundo na kailangan pagtuunan ng pansin, na mas mahalaga sa akin, at lalong lalo, na mas pinapahalagan ako. da bah. I thank you. bow. 

Comments

  1. Its good to know na inspite of what happen eh ok na kayo ng dati mong partner... Sabi nga nila when you finally moved on lahat ng ng yari sa yo o sa inyo ay tatawanan mo na lang... at malamang sa alamang ito na yun... Happy New Year.

    ReplyDelete
  2. You had me at "Time heals nothing coz it's not a doctor, pambasag lang ng ilan" hahaha :) This is deep :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo rin naman siya di ba? minsan nga naniniwala din ako sa kasabihan na yan. time heals nothing nga naman. it's up to you to decide when you're healed. It's you who dictate when you're wounds are already closed. but sometimes healing is not enough, you still hurt. o di ba, nakuha ko naman yan sa heroes (naghi-heal yung cheerleader di ba?) LOL explain pa talaga ko hehe patola lang :)

      Delete
  3. ayos na ayos.

    shet gusto ko ring maramdaman kung ano ang feeling ng magkaroon ng ex at makasalubong ito out of nowhere...

    pero syempre bago yun gusto ko muna ng boypren. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. madaling magka-ex. boypren nga lang naman ang mauuna :)

      Delete
  4. Masaya ako at naging maganda ang pagtatagpo ninyo bilang dating magkasintahan, dapat lamang dahil kahit saan mong tignan may pinagsamahan pa rin kayong dalawa, ika nga nila wag mong tignan kung anu malungkot tignan mo kung anu ang masaya at ang dahilan nito..

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. mas naalala ko nga yung masaya nung nakatingin ako sa mga mata niya.

      Delete
  5. Mamon, when will I see you again? *hehe*

    Mature na mature ang tone. Nagbago ang tingin ko sayo when I met you personally. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.