Sabi ng kapatid ko noon magaling daw ako mag-advice on love.
Well, nabasa ko lang naman yun sa mga magazines at books, napanood sa TV, at naobserbahan sa kanila.
So kung tutuusin halos theoretical, fictional, at second-hand experiences ang alam ko.
Dahil siguro doon kaya ngayon nangangapa ako sa relationship ko.
Totoo pala yung 'easier said than done.' Easy to give an advice, difficult to apply in your own life.
Sana may manual 'no, na specifically written for you. Tailor-made kung baga.
Tapos hard to reach pa ang inner circle ko. Busy sa mga buhay.
At yung hihingan ko sana ng advice (5 years na kasi sila ng partner niya) about a budding relationship ay di na rin pala applicable kasi nag-break na sila. Though, pede ko pa rin siguro tanungin kung pano sila tumagal ng 5 years.
Naisip ko tuloy, sana meron ding set-up sa PLU na tipong yung nakatatandang couple gagabayan yung younger couple sa kanilang relationship. Parang CFC lang. Household ba yun? hehe
O kaya, couple's seminar. Sharing stories, problems, coming up with a solution. Kasi malay natin, napagdaanan na pala nila yung pinagdadanan natin. At least my exchange of inputs. Support group ba. Parang AA lang.
Advice column. Pamphlets. Radio show. TV show. TV network. Corporation.
Random thoughts sa 2-kilometer jeepney ride. :p
Magbabasa-basa na lang ako dito. Sinusundan ko naman sina Leo at Nimmy, Mugen at JC, Tiggah & Pooh.
ako? isa lang ang nagiging gabay ko.
ReplyDeleteuna, masaya ka ba diyan?
pangalawa, tama ba yang ginagawa mo?
masaya? - check!
Deletetama? - pano ko malalaman kung tama?
tama it is right and just. babagsak lahat yan sa values mo
Deleteadvice can only bring you so far.
ReplyDeleteat a certain point, you yourself have to live it vicariously.
vicariously.... (gets tissue ang plugs it to his nose) :D
Deletehay naku. hindi pwedeng magkaron ng couple's seminar ang mga bakla, siguradong may mga ahasan na mangyayari. LOL
ReplyDeleteikr
Deleteganun, ahasan na agad? di ba pede swingers lang. hehe
Deletekaya gusto pwede. that's all i really go by. haha
ReplyDeleteat sana nga may manual ang mga puso. both you and your partner would benefit! :)
sinubukan namin i-share yung mga kelangan abangan sa isa't isa, para mapaghandaan, kaso di kaya e. dapat talaga maexperience lahat.
Deletemukhang mahaba ang byahe mo a dami mo naiisip!
ReplyDeletemaiksi lang. minimum fare lang binayad ko e. hehe
DeleteNaisip ko tuloy, sana meron ding set-up sa PLU na tipong yung nakatatandang couple gagabayan yung younger couple sa kanilang relationship. Parang CFC lang. Household ba yun? hehe
ReplyDelete- ending niyan, mapupunta ang isa sa older couple sa isa sa younger couple.
not being pessimistic, but that happens.
dapat yung elder couple strong ang relationship nila, para di maisip mang-agaw.
DeleteBakit pa kailangan tailored to "PLU"???
ReplyDeleteIt's LOVE. It knows no gender nor sexuality. Not bound by boundaries, nor confined by limits.
It's love. No person can ever not know what love is, and not know how to love.
You simply follow your heart, listen to the advice of the mind, and enrich your soul.
follow heart, listen to mind, enrich soul.. that's nice. :D thanks
Delete