Skip to main content

Muntik sa Bus

Nakaupo na ko noon sa bus sa tabi ng bintana. Hilig ko talaga maupo sa window-side para pag nakatulog ako, may sandalan ang ulo ko.

Habang dumudungaw sa bintana naramdaman kong may tumabi sa akin. Una kong napansin ang gym bag niyang dala. Abah, fit ito for sure. At hindi nga ako nagkamali. Triceps pa lang puro cuts na. Biceps pati na ang deltoids, toned din. Tumaas ang tingin ko. Dahan-dahan para di niya masyado mahalatang kinikilatis ko siya. Tsaka para malagyan na rin ng mukha yung mga  nakita kong body parts. Pagdating sa mukha, sabi ko, abah, pwede tong si kuya ah.

Nang bubunutin ko sana ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko na matatagpuan sa side nya, napadikit yung siko ko sa tagiliran niya. Sabay kibot naman si Kuya at tingin sa akin at sa siko ko. Mukhang irritable at inis. Tinamaan namna ako ng takot ng slight. Baka homophobic tong mokong na to. Dumistansya na ko baka mabugbog pa ko.

Emote na lang ulit ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga palayang lagi ko nang nakikita sa linggo-linggo kong pagluwas. Nagulat na lang ako nang makita ko sa repleksyon sa salamin ng bintana ang liwanag mula sa cellphone ni kuya. Isang naghuhumindig na lalaking topless at nakabikini ang nasa cellphone niya. Hala! May tinatago din pala si kuya. Pasimple kong tinignan kung ano talaga ang ginagawa ni kuya. Napangiti na lang ako nang makita ko na ang nasa cellphone pala ni kuya ay Grindr. Ibig sabihin ang pagkibot ni Kuya kanina ay arte lang. Kala ko pa naman allergic siya sa bading. Pareho pala ang koponan namin. Gusto ko sanang batiin eh kaso busy siya sa pagsagot sa mga messages niya sa text, Grindr at Twitter.

Kaya sa buong byahe, nakangiti na lang ako. Mukhang ang dami kasing ka-aura ni Kuya eh. Natuwa ako for him.

****

Sa isa pang byahe, pauwi naman ako. Galing ako sa Timog sa isang pagsasalo. Nakailan ding bote ng SML at RH kaya noong palakad ako pa-EDSA ay mejo gago-gago na ko. Kumakanta ng malakasa at tumatawa. Noong napansin ko yung ibang taong naglalakad na nakatingin sa akin ay medyo tinamaan na ko ng hiya.

Sa bus naupo ako sa may aisle. Tumabi sa lalaking natutulog. Masayang-masaya ang mood ko noong gabing yun. Bakit ba naman hindi ako sasaya eh noon lang ulit ako nakainom at nakahalakhak ng ganoon nang matagal na panahon. So sa bus, gagong ngiti naman ako.

Napatingin ako bigla sa kaliwa ko sa kabilang side ng upuan. Meron lalaking, di naman kagwapuhan, di rin naman kapangitan, na nakita ko. Ayos lang naman siya. Tipong constru-level na saktong pang-romansa, ganyan. Hayun, tinignan ko. Tumingin din naman siya at tumango at sabay ngiti. Ngiti din naman ako.

Sa byahe namin, nakailang tingin din naman din ako sa kanya hanggang sa malaman kong marami pa siyang kasamang kapwa constru. Kaya sinukuan ko na ang pagtingin sa kanya.

Nang makita ko yung mga kasama niyang nagsitayuan, sinubukan ko siyang titigan ulit. Tumingin ulit siya sabay sabi, ano pre, kursunada mo ba ko? Malaki ang boses at halatang lasing sa tono pa lang. Napatalon yung puso ko at natakot ako bigla. Umiling na lang ako at yumuko hanggang sa bumaba silang lahat. Di ko na sinubukang silipin pa sila sa bintana dahil baka balikan pa ko.

Ngayon, ano ang natutunan ko sa pangyayaring ito: Kailangang matutong mangilatis ng titigan. Matuto ring huminay-hinay sa mga ginagawa sa bus at ibang public transportation. Baka maging mitsya pa yun ng buhay ko at ma-gangbang pa ko.

Comments

  1. iskeyri ng last encounter!! I'm sure tumalon puso mo nung narinig mo yung mga sinabi nya. hehe

    ReplyDelete
  2. mga kwentong byahe :) pwedeng i-compile at gawing book! :)

    ReplyDelete
  3. Sinabi mo sana sa Constru na "oo trip kita." haha.

    ReplyDelete
  4. Ako pangarap kong ma-gangbang with feelings!

    Ang public bus ay hindi kailan man tamang lugar-landian. Kaya nga may SM Aura na eh!

    ReplyDelete
  5. Blakrabit, super talon at kumabog puso ko nun! grabe lang hehe

    Zai, hehe. 'pag marami na.. ;)

    JM, haha afraid ako. baka hatakin ako sa eskinita at pagtulungan ng mga constru LOL

    Senyor, maganda ngang pantasya ang gangbang. pero sana yung prepared ako haha

    ReplyDelete
  6. OMG! Grabe ka makatingin! Hahahaha

    I love the last story. You should have taken the plunge!

    K

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.