Minsan pakiramdam mong sobrang pamilyar mo na sa laro na tingin mo ay di ka na maiisahan o malalamangan. Pakiramdam mo na kahit bali-baliktarin man ang laro ay kaya mo itong ipanalo. Sabi mo sa sarili mo, dahili marami ka ng napagdaanan, wala ng makakapagpaikot sa'yo. Bagkos, ikaw pa ang magpapaikot sa kanila. Wala silang magagawa kapag ikaw na ang naglabas ng baraha.
Ngunit darating ang araw kung saan makakakilala ka ng tao na mas magaling at mas bihasa kaysa sa iyo. Mas magaling siyang dumiskarte at mas marami siyang alas. At pag sinumulan na niya ang paglabas ng kanyang baraha ay wala ka ng magagawa. Ang pagkatalo mo ay sigurado na. Uuwi ka na lang luhaan at nasasaktan. At ang tanging baon mo sa iyong pag-uwi ay ang aral na kahit anong galing mo makipaglaro, makakilala ka rin ng katapat mo o higit pa ang husay sa iyo. Kaya kahit bihasa ka man, dapat handa ka rin matalo, masaktan, at umiyak.
*****
Laro tayo! -
Sige! -
Ang laro ay Sweet-sweet-tan! Ang unang mag-fall sa isa, talo. Game? -
Game! Ay mukhang talo na agad ako -
mukang may pinaghuhugutan ang entry na ito....
ReplyDeletewala namang pinaghuhugutan. meron lang gustong ibaon.
DeleteUna, kung sino ang mas nagmamahal, siya ang posibleng mas masasaktan.
ReplyDeletePangalawa, kung handa kang makipaglaro, dapat handa ka rin na masaktan.
parang kanta lang yan, bakit kung sino pa, ang siyang marunong magmahal. ay siyang madalas maiwan nang di alam ang dahilan. hehe
DeleteSino yan kwento naaaaa!
ReplyDeletekowww wala :P
Deletegoowh! i-kwento na yan! lols :p
Deletehaha Nate! naisip ko na yan. siguro in the coming posts. pero di ko sasabihin na yan na yun. :D
Deleteminsan, masarap rin makatikim ng pagkatalo. masaktan ka man, alam mo sa iyong sarili na tao ka pa rin. marunong magmahal.
ReplyDeletehmmm... :)
Deletekaya ingat-ingat pa rin dapat. there's always someone better. :)
ReplyDeleteyeah there's always someone better...
DeleteAlam mo kung anong ginagawa sa mas magaling sayo maglaro?
ReplyDeleteTinutumba!
At syempre walang smiley ang comment kong nauna para kunwari seryoso hehe :)
ReplyDeletehaha oo nga. parang totoo! :D
Deleteganun talaga, karma will always find its way
ReplyDelete