Skip to main content

Sa tapos ng taon

Ang bawat taon ay nag-iiwan sa atin ng mga alaala at mga aral na bago lang or marahil ay nalimutan na natin sa pagdaan ng panahon. Ang patapos na taon ay hindi naiiba. Bawat araw ay isang pagsubok ng ating pagkatao at paniniwala.


Pamamaalam

Hindi naging maganda ang bungad ng taon na ito sa akin dahil sa pamamaalam ng isang taong naging bahagi na ng aming pamilya. Nang sumakabilang-buhay ang aking amain nagbago ang lahat sa amin. Kinailangan kong maging matatag para sa aking ina para magabayan at suportahan siya habang siya ay nagdadalamhati. Hindi madali para sa isang anak na makita niyang nalulungkot ang taong inaasahan niyang magiging malakas para sa kanya. Pero sa awa ng Diyos at sa tulong na rin ng malalapit na kaibigan, unti-unti kaming nakabangon at nagpapatuloy ng aming buhay.


Propesyon

Noong nakaraang taon ay hindi ko masyadong nagamit ang propesyon ko dahil pinagtuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Ngunit dahil na rin sa mga pangyayari sa pasok ng taon at sa pangungulit ng aking agency napilitan akong mamasukan ulit. Nakakatuwa dahil maliban sa aking trabaho sa ospital, nagkakaroon din ako ng paminsan-minsang raket kung saan nakakapunta ako sa iba't ibang lugar kung saan ako kailanganin - naging assessor, lecturer, on-call, at event medical personnel. Ang masarap pa sa mga out of town trips, libre na nga transpo at lodge, may kita ka pa.  


Kaalaman

Pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Ngayon ay nasa kalagitnaan na ako ng paggawa ng aking thesis. At sa susunod na taon ay inaasahan ko na ang aking pag-graduate at pagmartsa sa entablado. Ang isa pa sa nagpasaya sa akin ngayong taon bilang isang mag-aaral ay ang paggiging US ko. Hindi man ako naging dean's list noon, naging US naman ako kahit sa isang semester lang. :)

Akyat

Buti naman at nagkaroon ako ng pagkakataong makaakyat sa tatlong bundok ngayong taon. Isa ay sa bundok na hindi ko pa napupuntahan noon. Ni-request ko talaga ito sa aming grupo na akyatin. At yung isa ay kasama ang mga tao sa twitter na sina Kiko at GK. Naging masaya ang akyat kasama ang mga tweeps kaya napag-isipan kong magandang gawin iyon ng mas madalas.


Usapang Puso

Marami na rin akong nakilala at naka-date ngayong taon ngunit marahil hindi pa ito ang tamang oras para doon. Dama ko naman - mula sa ilan -  na totoo ang nararamdaman nila para sa akin. Ngunit marahil ako mismo ang lumayo dahil natakot akong hindi masuklian ang ganoong pagtingin nila sa akin. Ngayon taon ko rin naranasan ang sa pagkabigo. Nakakatuwa lang mapagtanto at maranasan kung gaano talaga kabilog ang mundo. Naniniwala naman akong nariyan lang yung taong nababagay para sa isang tulad ko.


Lipad at Gala

Maliban sa mga akyat, nakapaglamyerda rin ako ngayon taon. Nakarating ako ng Malaysia sa simula ng taon kasama ng isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan. Bago matapos ang taon, nakapaglibot din ako ng Baguio (na hindi ko naman nagawa noong umakyat kami ng bundok sa Benguet) kasama ng ilang blogero.


Safe

Ngayon taon ko rin unang naranasang magpa-test. Hinarap ko ang takot ng pagpapatest sa tulong na rin ng mga taong nakilala ko sa twitter na sinamahan ako sa proseso. Dahil na rin pamilyar na ko sa The LoveYourself mas naging komportable ako. 


Pangarap

Ngayon din nagsimula ang pagtutupad ng aking pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa. Halos kalahati ng taon ang ginugol ko sa pag-aayos ng mga kailangan at paggawa ng mga nararapat upang matugunan ang mga kagustuhan ng agency ko. Tanging ipinagdadasal ko na lang ay sana maganda ang pasok ng taon para sa akin. Lahat naman ng ginagawa ko ay hindi lang para sa akin, higit ito para sa aking pamilya.


Online hanggang Offline

Noong nakaraang taon nagsimula ang pagpapakilala ko sa piling mga tao sa twitter at blog. Naging masaya naman ang karanasan kong ito kaya naman pinagpatuloy ko ang pagkita sa ilang mga taong nais rin ako makilala. Dito ko nakasama at nakilala ang ilan sa pinakamalalapit at totoo kong kaibigan. At dahil sa kanila kaya hindi pa rin ako nawawalan ng gana sa nasabing sites.


Napakarami pang bagay na nangyari sa taong ito na kaya pang daigin ang mga eksena sa sine o sa tv - mula rated G hanggang SPG. Marami rin talagang pagkakataong susubukin ang pagkatao mo at paniniwala mo. Ngunit sa kabila ng lahat, nandoon pa rin ang pasasalamat sa mga itinuro ng ating karanasan upang tayo ay lumago bilang isang matibay at matatag na nilalang. At pinakamahalaga sa lahat, nandoon din ang paniniwala at pag-asang ang susunod na taon ay mas magiging matiwasay o kung hindi man, ay mas mapapadali dahil sa mga aral na ating natutunan.


Salamat 2013 at maligayang pagdating sa 2014 :)


PS: Oo nga pala, makalipas ang dalawang taon, 100 na followers ko! wuhoo! Magpapa-raffle ako! hahaha choz lang :)

Comments

  1. 100 followers kana :) Sasali ako sa raffle ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahaha dapar personal ike-claim! :)

      Delete
    2. Delikado yan ah! Paki LBC nalang haha

      Delete
    3. hindi pede. ako na lang magde-deliver. sagot mo pamasahe ko hehe

      Delete
  2. Happy new year mamon! Happy 100th follower!

    ReplyDelete
  3. Kakaibang year-end post to ah. Unique! :P

    Mag-2014 na hindi ka pa rin nagpapakita. *haha*

    ReplyDelete
  4. Sana manalo ako sa raffle :)

    Happy to have met you this year :) Wishing you a happy and great year to come, pag may gala sama mo kami! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha nakaka-pressure yung raffle! hehe

      True, naalala ko pa nung ini-stalk ko pa kayo sa UP oval haha see you more next year. more more gala! :)

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.