Skip to main content

Kilig

"May tanong lang ako sa'yo.." Text niya


"Ano yun?" Reply ko.


"May nakapagpakilig ba sa'yo dun sa geb?"


"Meron. Pero sikretong malupit."


****
Gusto ko sanang replyan ng malaking 'OO, IKAW!' hehe. kaso syempre once ko pa lang siya nakikita. Ayaw ko namang sirain yung pagkakataong makilala muna siya ng mas malalim sa pag sabi sa kanya ng gustong-gusto ko siya. Ang sa akin kasi gusto ko muna makilala ang isang tao pagkatapos kong maramdaman ang kilig. Malay ko ba kung kilig lang yun o libog lang. Gusto ko ng mayroong mag-sustain nung kilig na yun. Naintindihan naman niya yun nung kinwento ko sa kanya yun. Kaya di na niya tinanong ulit. Sinabi ko rin na pag may nakilala akong nakapagpakilig sa akin, gusto ko lalabas muna kami paminsan-minsan, like on dates. Para meron kaming moments or activities together, hindi yung landi o libog ang kailangan namin sa isa't isa. Sabi nga nya, yung parang tropa kayo sa labas. Hayun.

Pero nagkasama na kami sa isang kwarto e. Last night. Last blog post ko. Nagyakap na rin kami at palitan ng halik. Malamang alam na niya yung nararamdaman ko sa kanya at alam ko rin naman ang nararamdaman niya sa akin. Pero di parin nagbago ang samahan namin. Ganoon parin naman.

Andyan pa rin ang kilig every time he texts. May kilig pa rin kapag naiisip ko siya with those natural rosy cheeks at pinkish lips. Sarap halikan. Hay. Feeling ko I'm in highschool ulit. Kinikilig. Di mapigilang ngumiti kapag naiisip siya like now.

Comments

  1. after what happened to me and B.. i never believe in dates and ligaw na. kalokohan yon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. At dahil jan, binasa ko ang posts mo about B. Sobrang kinilig ako sa story. Ika nga ng friend ko, Some things are just not meant to be, sometimes it's just meant to be experienced (parang ganun, nakalimutan ko na yung exact words...) At least naramdaman mo yun diba, at nadama din namin through your posts. :D

      Delete
  2. hmm..kilig?
    i can't remember the last time i had so much kilig in me.

    callous heart. haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hala, that may not be a good sign. hehe

      Delete
    2. YEs...but it's not exactly a bad sign either.

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig...

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.