Skip to main content

Not Now

Him: 'Wag muna ngayon, di ko pa siyang kaya makita.
Me: Di ka pa ready? Paanong di ka ready, e ikaw nga yung nakipaghiwalay?
Him: Basta 'di muna ngayon.

***

Ngayon naiinitindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Mayroon rin palang pagkakataong kahit ikaw ang tumapos (ng realsyon) ay ikaw rin ang nasasaktan. Sa kaso naman niya, sabi niya he fell out of love. Akalain mo yun, ang four years ng pagsasama ay parang nabalewala lang. Parang gusto daw niyang makakilala ng ibang tao. At nakakilala na nga raw siya. Pero sabi niya, ngayon daw parang kinakarma na siya. Yung bago daw niyang partner ay parang di naman siya ganoon ka mahal tulad noong ex niya. At ngayon, parang siya naman daw ang head-over-heels sa guy.

As for me, I guess it hurt when he texted me one day. Sinabi niya sa akin na gusto daw niyang maging magkaibigan kami dahil may pinagsamahan naman daw kame kahit papaano. Sabi rin niya na 'wag daw ako mag-alala dahil okey na daw siya kasi naka-move-on na siya. At that point, I don't know if I'm supposed to be happy that he has moved on or be crazy mad that he already moved on. Ang sa akin kasi parang walang katuturan yung paghihiwalay namin. Wala bang naging impact yun sa kanya na parang okay na siya ngayon. Hindi naman sa gusto ko siyang turuan ng aral kaya ako nakipaghiwalay, ginawa ko yun dahil hindi ko na gusto yung nagiging ako kapag kasama ko siya. [mahaba-habang diskusyon 'to] Anyway, my point is, ano nga ba point ko. Hayun, pag nakipagkita ako sa kanya at makipagkaibigan, e di ibig sabihin lang noon na wala siyang nagawang pagkakamali sa akin noon. Sabi nga nila forgive but never forget because if you forget, you risk committing the same mistake again. I have forgiven but I won't forget.

Comments

  1. Marami ako sasabihin.. haha!

    1."he fell out of love. Akalain mo yun, ang four years ng pagsasama ay parang nabalewala lang. "
    -There are things that trully and genuinely not meant to be. kahit anu pang gawin natin kung hindi talaga, hindi talaga. tignan mo na lang ang kwento ni Jopay at nung ex niyang dancer ba yun si Joshua something.. they're supposed to get married but one day nagising yung guy na wala na siyang nararamdamang love kay jopay. look at me and B. Kahit ilang beses ko pa siya dalhin sa mga sosyaling restaurant o ipa-panood sa kanya lahat ng stage plays dito sa pinas kung hindi talaga kami.. hindi talaga.

    2. I don't believe in Karma. I believe in this.. "the negative attitude/personality makes a person do negative things if you kinda push that towards the scenario that your personality dictates it to be " Circle of life.

    3. "At that point, I don't know if I'm supposed to be happy that he has moved on or be crazy mad that he already moved on." - remember na sa break up it don't break even.

    ReplyDelete
  2. super relate ako sa post mo, ganyang ganyan din ang eksena ko, 4 years, fell out of love, etc. anyways, I believe din sa saying na forgive but never forget..kasi when we forgive, we free ourselves from the burden of hate..pero never forget nga para di na ulit tayo masaktan..

    hugs! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga ilang tagpo ng gabing iyon

Sa mga oras na iyon, tipong game na lang kaming magkakaibigan kung anong mangyari. Inumpisahan kasi nung isang guy na tumingin sa aming direksyon sa may Starbucks sa Greenfield. Tipong nag-uusap kaming magkakaibigan doon sa labas na tables nang sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking dumaan. Sabay-sabay kaming nagtawanan nang mahuli kami. Pero ang nakakapagtaka ay kahit makalagpas na siya, ilang ulit pa rin ang dungaw niya sa amin. Eh di parang, "trip ata tayo noon." Sinundan namin ng tingin yung guy hanggang sa nakumbinse namin yung isa naming kaibigan na sundan siya talaga para ayaing makipagkape or whatever. Bumalik si friend na hindi bitbit si Kuya. Ang pangalawang tagpo ay noong papalakad na kami sa EDSA kung saan sasakay ang mga kaibigan ko. Tinagos namin ang Greenfield papunta sa direction ng Rob Forum. Sa bandang Flair pa lang may nakipagtitigan na sa aming lalaki. Yung isa naming kaibigan ang tumawag sa aming atensyon. Sabi niya, tigil lang daw muna kami a...

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...