Walang-ano-ano ay naibulong niya ang kanyang munting tanong...
- Nagustuhan mo rin ba ako?
Nahihiya pa niyang naitanong iyon habang nakapatong at nakasiksik ang kanyang mukha sa leeg ng kanyang kasama.
- I mean... nagkagusto ka ba sa akin ever?
Gusto man niyang bawiin, wala na siyang magawa. nasabi na rin niya eh. He might as well clear what he wanted to ask.
> Di ba nga sabi ko sa'yo noon... magpapayat ka lang ng konti, ang hot mo na.
- eeeeh. di mo naman sinagot yung tanong ko...
Tanging tawa na lang ang naisagot sa kanya.
Parang lahat, siguro halos lahat, na lang ng nakakasama niya sa kama ay iniisipan niya ng potential na maging kasintahan. Siguro dahil na rin sa pagkasawa niya sa palagian na lang sex ang bagsak ng nakakasama niya na kung saan siya ang madalas ang nagbibigay. Kaya marahil napapaisip na siyang lumagay sa tahimik.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagtatanong tungkol sa nararamdaman para sa kanya. Tila mayroon na siyang hinala kung ano iyon at ayaw na naman niyang makadama ng sakit ng rejection. Sa palagay niya hindi dahil nagkaroon sila ng pagkakainitindihan ng nararamdaman kundi dahil sa sabay lamang silang nalibugan.
Siguro mabuti na yung hanggang doon lang ang pag-iisip niya ng ganoon. Mabuti na rin na tapos na rin ang paminsang pagsasama nila sa kama. Tama na marahil yung kaswal na lang sila na magkakilala o magkaibigan.
o ibulong na lang niya sa hangin baka sakaling tangayin ang naitatagong damdamin... :p
ReplyDeletekanta ba yan? hehe
Deletehindi. haha imbento lang. lol
Deleteinfairness, parang kanta. ituloy moo kaya sa poem, mukhang maganda :)
DeleteAng tanong, hanggang kailan ang cycle na ganyan?
ReplyDeletemukhang narerealize na niyang kailangan nang may magbago :)
DeleteAmbigat... :(
ReplyDeletenatauhan na siya
ReplyDeletefear of rejection & fear of being alone... deadly combination.
ReplyDeletebuti na lang natauhan na.
i dont think there was fear of being alone. but yeah, that's a deadly combination.
Delete