Skip to main content

Introspection


Nahihiya naman ako sa blog ko. Kunmpara sa mga blogs na sinusundan ko - na napaka-profound at deep ng substance, na malalalim ang english, entries na may titillating writing voice, at witty humor - parang gawa ng preschooler yung akin. Wala mang lang distinct voice, walang mystery, walang social relevance, walang universality, ni walang humor.

Pero ayus lang. Sila ang mga manunulat na tinitingala ko di lang dahil sa kakayahan nilang sumulat kung hindi dahil din sa husay nilang ihayag ang kanilang kwento sa pamamaraang naaayon sa nilalaman ng kanilang karanasan. Whew. Naubusan ako dun ng tagalog sa sentence na yun ah. 

Anyway, nakaka-inspire mabasa sa kanilang blogs ang iba't ibang experience nila - mapa-work man yan, love life, sex life, family life, at pati mga hobbies nila. Inspire saan? Inspire mamuhay nang masaya at hindi naghahanap ng approval ng ibang tao. Kasi sa tono ng kanilang sinusulat mukhang they all have life figured out na. Alam na nila kung ano gusto nila sa buhay at ginagawa nila kung ano gusto nila.Yun ang ina-aspire ko, magkaroon ng confidence at assertiveness. Confidence sa sarili kong kakahayan, katayuan, at katawan. At assertiveness sa mga bagay na nais kong gawin.

Hayun, I think I would write about things other than those I write these days.

Comments

  1. ay, parehas tayo ng feeling..i feel like my blog's so generic!

    ReplyDelete
    Replies
    1. no ah. i disagree. ganda kaya ng posts mo.

      Delete
  2. Sulat lang ng sulat. :) Kakapublish mo ng entries, marerealize mo, lahat ng hinahangad mo (pati voice at wittiness) ay napasaiyo na.

    ReplyDelete
  3. I completely agree with Mugen. That's what makes our little corner of the universe so much fun. There's room for all sorts of diversity. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napakanta ako tuloy ako ng "In my own little corner" ni Brandy. hehe. Thanks.

      Delete
  4. i felt the same way when i started blogging. maraming fears ang naramdaman ko. takot sa criticisms ng iba yaw ko kasi nun lalo na sa gawa ko pero dahil sa blogging na ovecome ko siya and wala na kong pakielam kng anu man gusto nila sabihin sa blog ko basta sulat lang ng sulat. feeling ko nga noon insekto ang blog ko kung itatabi mo kila mugen, corporate closet, mcvie, kane, DB, citybuoy at kung sino sino pa.

    para sayo naman, at least may goal ka sa pagba-blog maganda yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan feeling ko, basura kumpara sa mga sulat niyo. hehe

      thanks. :D

      Delete
  5. naaliw naman ako sa entry na 'to justin :))

    anyways, just continue the flow of thoughts.
    there's no monopoly in writing unless otherwise may particular theme itong blog mo (ie. cooking, travelling, etc)
    i think that makes our blogs differ from those because we write randomly.
    yun naman talaga ang purpose ng blog diba?
    to serve as your personal on-line notebook/diary?
    so wag na ma'conscious :))

    and too, worry not about the highfalutin words or the construction.
    wala naman purfect eh!
    after all, we have differences in defining what is substantial to our taste.
    aja!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. sa bagay wala namang theme tong blog ko. sing gulo rin naman ng aparador ko yung mga entries ko dito. kaya ayus lang. :)

      thanks. :D

      Delete
  6. share ko lang: write to express and not to impress.

    :)

    ReplyDelete
  7. akala mo lang siguro pero hindeeeh hindeeh hindeuurk! iba iba naman ang readers eh. wala na naman akong sense hahaha

    sulat lang nang sulat.mahalaga nag-eenjoy ka

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The One

Feeling loved and inspired, I ask my friends, who are in long-term, serious relationships, how and when they realized that their partners were the ones. Here are their answers: 1) "You don't know. You feel . Nagkakasundo kami palagi. And we have similar tastes." 2) " I just felt it . Despite everything that happened to us, we still chose each other . I just knew it. Tapos nagising na lang din ako isang araw na nung nakita ko siya pagkagising ko na katabi ko siya eh iba na yung feeling ko." 3) "Pasok siya sa criteria ko na kailangan lagi ako chinachat. Kaya nga until now lagi pa rin kami magkachat kahit nakatira na kami sa iisang bahay. Pinakaimportante dapat damang dama mo na gustong gusto ka niya.: 4) " Hindi niya ako iniwanan in my lowest point . He's one of the people na napaka-pure ng intention. Love personified." 5) " I just knew somehow .Yung di ako mahihiya ipakilala sa mga tao. Yung di na ako kailangan magtago." 6) "Sig

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

SOML: Somebody that I Used to Know

Was there ever a time in your life when you first heard a song and felt that the song was written for you? That it might be your theme song for a certain moment or chapter in your life? Parang kiling me softly with his song lang ang peg.