Skip to main content

Cuddle [3]

ang nakaraan...
[Cuddle]
[Cuddle 2]



sa pagpapatuloy....

Iba yung pagnanais kong ilapat ang aking mga labi sa kanyang mga labi. Nanginginig at nakakapanabik. Pero umatras ako. Nahiya. Ayaw kong lumabis sa naaayon sa aming pagkakaibigan. Kaya yumuko na lang ako at isiniksik ang mukha sa kanyang katawan.

Bitin, isip ko. Wala ng ibang pagkakataon pagkatapos nito. Kung di ngayon, baka pagsisihan kong pinalagpas ko ang pagkakataon. What's the worse thing that can happen? Baka iiwas lang niya ang mukha niya. Ayos lang, at least malinaw. O di kaya magkunyari siya bukas na di niya maalala. Pede naman din akong magpatay-malisya. Bahala na!

Nang nakapagpasya na ko, dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Tinignan siyang mabuti. Marahan kong nilapit ang aking mukha sa kanya. Dama ko ang panginginig ng labi ko sa kaba. At sa wakas naglapat na aming mga labi. Ilang segundo rin yun nga awkwardness. Parang first time lang. Nakatikom ang aming mga bibig ngunit magkadikit. Binawi ko ang aking mukha at pinagmasdan siya mabuti. Hayan, okay na ko. Nahalikan ko na siya, masaya kong isip. Kaya bumalik na ko sa pagkakasiksik ko sa kanya. Ngunit bago man ako tuluyang makayuko, siya naman ang sumalo sa mukha ko at hinalikan ako. Sa pagkakataong iyon, hindi na nakakailang. Matamis na at mariin. Masarap at mahinahon pero andun parin ang pananbik.

Buong gabi este madaling araw din namin ginawa yun. MOMOL lang ang peg. Halik. Ganti ng halik. Tawa. Ngiti. Yakap. Halik. Ganti ng halik. Tawa. Ngiti. Yakap. Ihi lang ang break. May school pa kami the next morning kaya nagpasya kaming matulog na ng bandang alas-tres. Ngunit bago matulog, parang natural na ang goodnight kiss sa lips. Sarap lang.

Pagkamulat ng mata ko, ang unang pumasok sa isip ko ay halikan siya. Para kasing naging natural na. Good morning, bungad ko sa kanya kasabay ng matamis na halik sa labi. Ligo na ko. Pero bago man bumangon ay yumakap muli ako ng mahigpit at humalik sa kanya. Dumagan pa ko, na tila unan ang tangan ko. Pinapangarap lang kita dati hehe, bulong ko sa kanya. Bilisan mo na nga jan at baka mahuli ka na sa klase mo, sagot niya. Dali-dali naman akong pumunta sa banyo at naligo.

Makaraan ng ilang araw matapos ng insidente namin ay nakapag-usap muli kami. Parang wala rin namang nagbago sa amin at yun naman ang lubos kong ikinatuwa. Todo parin sa kulitan at kamustahan. Wala na ngang kaso kung pag-usapan pa namin o hindi yung nangyari sa amin e. Dahil alam ko naman na di nasira ang aming pagkakaibigan. At iyun naman ang mas pinahahalagahan ko.

Pero isang araw dumating kami sa usapang iyon. Alam mo may naisip ako dun sa nangyari sa atin, bungad niya. Kinabahan na agad ako dahil baka mawala na ang pagkakaibigan at tuluyan na kaming mag-iwasan. Naisip ko that I felt the friendship you had for me more than it being a sexual thing. Kaya parang di ako nagsisi or nag-worry. Nakahinga naman ako ng maluwag sa pagkakasabi niya nun. Sumang-ayon naman ako sa kanya. Nabanggit ko rin na kahit di naman niya sinabi yun, kampante naman akong walang nagbago o magbabago sa amin. Hiyang-hiya nga ako sa'yo kasi  baka may gawin ako na di mo pala gusto e, biro ko sa kanya. Gustong-gusto ko nga e, sagot naman niya. At sabay kaming nagtawanan.

Simula noon ay naging mas malapit nga kaming magkaibigan. Tila ang isang gabi naming pagsasamang di sinasadya ay nauwi sa mas malalim na pagkakakilanlan. Kahit na walang nangyari sa amin uli buhat noon, naging masaya naman ang aming samahan. Tuloy pa rin ang kulitan at tawanan. Matapos ang pag-eeskwela ay bihira ko na siyang makita. Ngunit tuwing nagkikita kami hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang samahan. Walang pinagbago. 


-Wakas-

Comments

  1. at binack read ko ang parts 1 and 2. kinilig ako ha! hehe :)

    ReplyDelete
  2. Bow.

    Ang gandang kuwento. Hindi pa nangyari sa akin. :)

    ReplyDelete
  3. Zai, haha Mas kinikilig naman ako sa inyo ni Tikboy :)

    JM, salamat Kuya. malay natin baka malapit na mangyari sa'yo yan. :)

    ReplyDelete
  4. Akala ko ang ending line mo eh "At magsimula noon, nagkaroon na ako ng fucking buddy." LOL jk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. grabe naman glentot, wala namang nabanggit na fcking sa story :P hehe

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Before Coming Out

Lately, I've been thinking of coming out. It's like I want to free of myself of the burden of keeping my identity a secret. But before I come out, I just have some personal conditions I need to accomplish first. I won't be doing these things just to earn people's approval on my lifestyle but more for me being comfortable in the path I've chosen to live.

What 2012 taught me..

Yesterday night, my friends and I went out for dinner. During our talk a friend suggested to share our year-end evaluations. Since I've already blogged about how my year went, I was quick to answer his question. His next topic was to complete the statement: 2012 taught me to.... I haven't really thought of the lessons or general theme of the closing year so I got to think about my answer. And here's what I shared. "2012 taught me to just keep on trying. Maybe I'll succeed, maybe I won't. No matter what the outcome may be, what's important is that I have tried that I have exerted effort to reach my dream. Even though I take things a day at a time, not really making long term plans, I still have goals for whatever opportunities and I would make every step to take advantage of that chance. I believe that it's better to have tried (in love, in career, and in life) than to regret not trying at all." So that's it. And with this, I end my 2012 ...

Limp

I'm feeling a little limp tonight - maybe it's the vagueness of my future or the dilemmas I am facing or the lack of financial stability I am experiencing - but all I can do is just speculate. I thought I have gone through this already, the quarter life crisis as they say - emotional lability, constant questioning of worth, and unexplainable emo-shit. I'm tired of this, tired to wake up each morning and feel unsure of everything. Ugh. I just want to shake this off. Anyway, speaking of shaking things, here's one topic I wanted to write about for so long. I first heard it from some friends [ang mag-react, guilty! hahaha] and it got me curious, though I have to say, I really don't need this. *ehem* What is it? It's penis enlargement. Yes, my dear friends, you read it right. PENIS ENLARGEMENT . The natural kind. They call it Jelq . They say Jelqing was derived from an Arabic word meaning 'milking', which is the main motion of this technique....