Kakagaling ko lang sa Ateneo para suportahan ang aking kaibigan. Pinanood ko yung unang pagtatanghal ng Entablado ngayon taon na pinangalan nilang Mutya. Dalawang play to na pinakamamahal daw nila kasi marami daw ang gusto mapanood ito ulit kahit 9 years ago pa nila unang itananghal yung mga play na yun. At di naman ako nagulat kung bakit nagustuhan ng tao yun. Sobrang nakakatawa at nakakaaliw yung dalawang play. Ang ganda ng kwento pati yung mga linya. Napakagaling ng mga nagsiganap, ang galing nila magbato ng mga salita pati na ang mga bitaw ng kanilang punchline. Sobra talaga akong natuwa ngayong gabi. Pero sa kabilang dako na-miss ko tuloy magtanghal din sa ibabaw ng stage.
Naaalala ko pa nung highschool kami laging mayroong sabayang-bigkas. Lagi yun. Kada Filipino week at English week. It was a competition between sections sa isang grade level. Aside from that meron pa kami declamation. Ang elimination sa classroom, tapos pipili yung teacher ng pinakamagaling na ilalaban sa ibang section. Tapos nakasali din ako sa isang team na lalaban ng sabayang-bigkas sa ibang school. Member din ako ng choir noon tapos laban kami sa contest - Voices in Harmony ata yun at sa concerts with other choirs. Nakakamiss lang yung ganun. Yung mga practice. Yung mga drama. Yung pagod. Yung bonding. At syempre, yung tagumpay.
Tsaka iba rin kasi yung nasa entablado ka. May certain kaba at excitement na naghahalo sa loob mo. Parang overload ng emotions. Nakakawindang pero parang nakakaadik kapag paulit ulit mo nang gagawin. Hahanap-hanapin mo talaga. Siguro pede mo siyang ihambing dun sa nararamdaman ng mga runners pag tumatakbo sila - yung runners' high. Grabe namiss kong magperform sa stage. Kaya natutuwa ako sa kaibigan ko. Kahit na pinagsasabay ang pagtrabaho at pag-aaral, nagagawa pa rin makapaglaan ng oras sa bagay ng gusto niyang gawin. Siguro ang makakaya ko rin yun balang-araw. Pero sa ngayon, ang entablado lang ng buhay ang pagtatanghalan ko.
Comments
Post a Comment